Filtered By: Showbiz
Showbiz

Dingdong at Marian, nagpalagay ng mga bagong tattoo



(photo shared via DYnamics DongYan Facebook fanpage.)
 
Nagpalagay ng kani-kanilang pangalawang tattoo sina Marian Rivera at Dingdong Dantes.

Si Myke Sambajon of P&P Tattoo and Body Art ang naglagay ng bagong inks ng mag-sweetheart.

Kilala si Myke sa tattoo community at sa showbiz circles na rin bilang pangunahing tattoo artist ng mga artista.


(photo shared via DYnamics DongYan Facebook fanpage.)

Ilan sa mga kilalang personalidad na nagpa-tattoo na sa kanya ay sina Angel Locsin, Michael de Mesa, Eula Valdez, at maski na ang mga yumaong sina Karl Roy at Philippine King of Rap Francis Magalona.

For their second tattoos, isang maliit na butterfly ang pinalagay ni Yan sa kanyang likuran, malapit sa batok, habang si Dong naman ay nagpalagay ng "Alpha-Omega" sa kanyang kaliwang braso, sa ibabaw ng pulso. - PEP.ph