Filtered By: Showbiz
Showbiz

Carla Abellana finally stars in new teleserye with Dennis Trillo


  Pagkatapos ng siyam na buwan ay may bago nang gagawing proyekto si Carla Abellana—isang teleseryeng very mature ang tema at first time na tatalakayin ng GMA-7 sa isang teleserye. Sa isang press conference nitong Martes, May 7, sa 17th floor ng GMA Network Center, inanunsiyo na ang susunod na proyekto ni Carla—ang My Husband’s Lover. Makakatambal ni Carla rito si Dennis Trillo. Ang unang posibleng maging reaksiyon ng mga tao ay tungkol na naman ito sa pakikiapid ng lalaking may-asawa sa isang kerida, na temang naging paksa ng maraming pelikula in recent times, kagaya ng No Other Woman (2011), A Secret Affair (2012) at My Neighbor’s Wife (2012).   Maging ang katatapos lang na teleserye ng GMA-7 na Temptation of Wife ay ganito rin ang tema.   A RISKY PROJECT. Pero paglilinaw ni Carla tungkol sa bagong proyekto, “Yung kakaiba lang dito, the lover is a man. "So, kumbaga, bottom line, the big revelations is my husband is gay and he has a gay lover. "So Dennis will play the role of the lover. Wala pang husband.” Nagkakaroon pa raw ng audition kung sino ang gaganap na asawa ni Carla pero aniya, kabilang sa mga nag-audition sina Mike Tan at Victor Basa. “Sila lang ho yung kilala ko. Hindi ko kilala yung tatlo ho, first time ko silang ma-meet.” Dahil sa maturity ng nasabing paksang tatalakayin ng My Husband’s Lover, naitanong kay Carla kung sa palagay ba niya ay handa na ang Filipino audience sa ganitong paksa. Sagot ng Kapuso actress, “I think they are at ang maganda dito, sakop mo lahat ng audience—whether babae, lalaki, lesbian or gay, di ba, married or not? "Ready na sila. “First time nga na magta-tackle ng issue ng ganito ang primetime television, it’s a very big step for GMA.”   ONE SOAP PER YEAR. Matagal din ang hinintay ng 26-anyos na aktres bago nasundan ang kanyang huling teleseryeng ginawa—ang Makapiling Kang Muli (2012) with Richard Gutierrez. “Yes, that was the longest na naghintay din ako… na nabakante,” pagkumpirma ng aktres. Natanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Carla kung hinintay ba talaga niya ang tamang proyekto bago siya umoo. “No naman, because in my new contract, once a year po akong magso-soap. "So since technically for 2012, tapos na ho yung Makapiling Kang Muli, [sa] 2013 pasok naman ho kumbaga [ang bago kong teleserye]. “Yun na ho yung pinakamatagal na hinintay ko. "Kasi in my first contract, twice a year ho akong nagso-soap. "Pero sa bago ko hong contract, once a year na lang, so mas longer yung waiting time. "Hindi lang ako sanay,” pagbibigay-linaw niya.   READY FOR MORE MATURE ROLES. Ang sumunod na tanong kay Carla ay kung mas “preferred” ba niya ang ganitong set-up kesa sa dati na pagkatapos ng isang teleserye ay may kasunod na agad itong bago. “Actually, okay lang naman. Sakto lang siya. "Nine months is a long time kasi normally, yung mga artists, gusto nila a month after, or within three months, may bago nang show, e. "Kasi, although ang pahinga lagi naming hinahanap, okay na sa amin yung ilang linggo lang. “Sa akin, I don’t mind naman na ganun katagal kasi pinag-isipan talaga nila nang mabuti kung ano yung next ko. "Kumbaga, hindi yung, ‘O, sige, ito na lang.’ “Mas maganda yung they really took their time to think of my next project kesa yung, ‘O, sige ito na lang. Ito lang yung available.' "It’s worth the wait,” paniniyak pa ni Carla.   Dagdag niya, “At least, alam kong hindi lang sila yung bigay lang nang bigay ng project. "Pinag-isipan talaga nila na alin ang maganda, ano ang maganda for me, so okay… perfect.” Kung dati ay pa-sweet pa ang mga roles ni Carla, ready na raw siya to tackle more mature and daring roles, gaya ng gagampanan niya sa kanyang susunod na TV project. “Nag-My Neighbor’s Wife na ako before,” pagtukoy sa huling pelikulang ginawa niya na tumalakay rin sa illicit love affairs. Sabi pa ni Carla, “Tapos ang ganda it’s such a beautiful story—painful, beautiful, acceptance, forgiveness... kayang-kaya." Aminado ang aktres na kinakabahan siya pagdating sa ratings ng gagawing teleserye, pero wala raw kinalaman dito kung nine months siyang nawala sa paggawa ng teleserye. “Regardless of the length of the waiting time, lagi naman meron. "Lalo naman for this kasi it’s such a big risk sa GMA, to come up with the concept. "Napakalaking move, pasabog... meron siyempre, merong pressure.”   Hindi naman daw siya gaanong nainip dahil sa loob ng siyam na buwan na iyon ay marami naman siyang ginawa.   “Andami ko hong endorsements, lagi hong may shoot; lagi ho kaming may appearance nationwide, out of town, Party Pilipinas...   "Tapos sa family, we have a new baby in the house. May bago ho akong pamangkin so tumutulong akong mag-alaga.” LOVING A GAY MAN. Sa My Husband’s Lover, gagampanan ni Carla ang role ni Lally, na pagkatapos ng sampung taon ay nadiskubre ang totoong pagkatao ng kanyang mister—na hindi ito tunay na lalaki at nakikiapid sa kapwa-lalaki. Gayunpaman, ipaglalaban ni Lally ang kanyang karapatan bilang asawa at para sa kanilang dalawang anak. Sa tunay na buhay, ano ang magiging reaksiyon ni Carla kung napagtanto niyang hindi pala tunay na lalaki ang kanyang asawa? “Honestly, if you ask me right now, ang personal [take] ko, ako, hihiwalayan ko,” sagot ng anak ng former matinee idol na si Rey “PJ” Abellana. “But in the story, she decides to stay with the husband; she decides to fight for the relationship.” Dugtong pa ni Carla kung bakit makikipaghiwalay siya kung totoong gay ang kanyang asawa: “Catholic ako. Number one, I still have that conservative way of thinking. "I believe marriage is still between man and a woman, although I am not against gay marriage. “Kung ako ‘yon, kung ipaglalaban mo yung relationship mo, magsa-suffer ka din—knowing your husband is gay and lonely [and] he wants somebody else, he wants another man. “Hihiwalayan ko po, hindi kakayanin ng puso ko.”  -- Ava May Robles, PEP