Filtered By: Showbiz
Showbiz
Ai Ai delas Alas, boyfriend married in Las Vegas?
PEP SCOOP: Ikinasal kahapon, April 4 (April 3 sa U.S.), sa pamamagitan ng isang civil wedding sa Las Vegas, Nevada, U.S.A., sina Ai-Ai delas Alas at Jed Salang. Ito ay ayon sa impormasyong nakalap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) mula sa isang source na malapit kay Ai-Ai. Noong huling buwan ng Marso, kumalat ang balitang "nine weeks pregnant" si Ai-Ai. At ayon sa report ng People's Journal, nag-propose daw si Jed bago mag-Holy Week. Kaninang tanghali, nakarating sa PEP ang balita, na ayon sa isa pang source ay sa Instagram account daw nagbigay ng pahiwatig ang Comedy Queen. Sa latest Instagram photo na in-upload ni Ai-Ai, makikita roon na nakasuot ng pormal na damit ang mga kasama niya sa Las Vegas na kinabibilangan ng dating asawang si Miguel Vera at mga anak na sina Sancho, Sean Nicolo, at Sophia. May bulaklak pa sa dibdib sina Sean at Sancho. Habang sa ibabang bahagi naman ng photo ay nakapormal ding suit si Jed kasama si Ai-Ai. Ang tanging caption ng photo ay: "FORMAL DINNER... happy day!" Pero hindi ito ang unang pagkakataon na napaulat na ikinasal na sina Ai Ai at Jed. Noong Agosto 2012, itinanggi ni Ai Ai ang kinasal sila ni Jed sa Las Vegas, at naulit ang pagtanggi ng aktress nito lamang nakaraang Pebrero. -- Rommel R. Llanes, PEP
Tags: aiaidelasalas, aiai
More Videos
Most Popular