Filtered By: Showbiz
Showbiz
Lorna Tolentino most content to see her sons being successful with their lives
Malayo sa totoong buhay ang pinagdadaanan ng karakter ni Lorna Tolentino na si Janice sa katatapos na GMA-7 primetime drama series na Pahiram ng Sandali. Doon kasi sa palabas ay malayo ang loob ng anak ni Janice (Lorna) na si Cindy (Max Collins) sa kanya. Sa totoong buhay daw kasi ay malapit si Lorna sa kanyang mga anak. “My kids, kami ng mga anak ko, may pinagdaanan naman kaming mahabahaba, ‘yon siguro ‘yong mas nag-mature kaming lahat dahil sa pangyayari— which is noong nagkasakit si Rudy.” Ito ang sagot ng beteranang aktres sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), na tinutukoy ang kanyang yumaong asawa, ang aktor na si Rudy Fernandez. “‘Yon ‘yong… pero ever since naman, pareho kaming nagwo-work ni Rudy, talagang ‘yong family ang important. Lagi kaming umaalis kasama ‘yong mga bata. “Hindi naman nawala ‘yon, kaya lang nga, parang napipilitan ‘yong utak mo na maging disiplinado dahil wala na ‘yong pinaka-father figure, head figure sa buhay namain, e. “Kaya mas siguro malayo, hindi magkakahawig sa buhay ko doon sa buhay ni Janice. “Because kami, parang may nangyari na talagang kahit anong mangyari, hindi na magkakaroon pa ng lamat, hindi na magkakaroon ng gulo.” Nakausap ng PEP si Lorna kamakailan sa 17th floor ng GMA Network sa Timog Avenue, Quezon City. CONSTANT COMMUNICATION. Ang isang bagay daw na nagpatatag sa kanila, bago pa man pumanaw si Rudy, ay ang kanilang bukas na komunikasyon sa isa’t isa. Ito daw ang naging daan upang magkaunawaan sila. Pero dagdag ni Lorna ang importansiya ng komunikasyon ay “kahit hindi lang sa family. “Even with your friends, and your co-workers, dapat talaga mayro’n kayong rapport, na nagkakausap kayo nang maayos.” Hindi naman daw nagbibigay ng payo si Lorna sa kanyang mga anak na sina Renz, 27, at Ralph, 26. Madali rin naman daw kasing sundan ang mga nangyayari sa kanilang buhay lalo na’t nasa showbiz din sila. Kuwento pa ni LT (palayaw ni Lorna), “Every night or every time na nandoon kaming lahat, we talk, nagkukuwentuhan kami. “Tapos ‘yon, kailangan ng ganito, kailangan ng ganyan— everyday normal lang na ‘pag alam mong may trabaho, pagdating, kailangan magkuwento, ‘yong gano’n. “Makikita mo naman kung mayro’n problema or wala. “So ngayon, basta nagkikita kayo, nagsasama, nag-uusap, gano’n lang, so far parehong masaya at okay ‘yong mga bata.” Pero walang ibang makapagpapasaya pa kay Lorna kundi ang makitang unti-unti nang nagtatagumpay ang kanyang mga anak sa kani-kanilang buhay. Ani LT, “‘Yong magkaro’n ka ng peace, ‘yong makita mo na maayos sila, at successful na sila…makabuo na sila ng sarili nilang lugar at ‘yong successful na sila in life… “Pagdating mo siguro ng fifty, ang idadasal mo na lang tungkol sa mga anak mo at makita mo ‘yon para makampante ka sa buhay mo.” -- Joyce Jimenez, PEP
Tags: lornatolentino
More Videos
Most Popular