Filtered By: Showbiz
Showbiz

Cristalle Henares on her love life: 'Loveless, unfortunately'


Mag-aartista na ba si Cristalle Henares? Ito ang naging tanong kay Cristalle dahil talent siya ng JLD Management ni Joji Dingcong. Nasa pangangasiwa rin ng JLD Management sina Derek Ramsay, Matteo Guidicelli, Bianca Manalo, Edward Mendez, John James Uy, Gerard Sison, Alexander Diaz, Raymond Yap, Anton del Rosario, Chaye Cabal Revilla, Carl Lopez, at Paolo Ballesteros. Nagkaroon ng post-Valentine and thanksgiving party ang JLD Management nitong Martes, March 12, sa Congo Grill sa Tomas Morato, Quezon City. Dito nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Cristalle. Tugon niya sa tanong kung mag-aartista na ba siya: “Ang nangyayari kasi is, minsan, meron ding mga companies na ang gusto nila ang mag-e-endorse sa produkto nila, katulad ng mga Smart… gusto nila mga taga-business, business na tao." Bakit ayaw niyang mag-artista? “Hindi kasi ako marunong mag-arte,” pag-amin ni Cristalle. “Para sa akin lang kasi is yung career kasi, yung acting at saka pagiging artista, parang hindi siya long-term. “Pero yung business, pag nag-invest ka ng oras mo sa business mo, kahit nasa fifty years old ako, sixty years  old ako… “Makikinabang, hindi lang ako, pero yung susunod na mga generation—yung mga anak ko, mga anak ng anak ko, di ba? “So parang mas mahaba yung... long-term ba, long-term yung effects ng efforts na pinapasok ko sa business. “So, hindi sa ayokong mag-acting, siyempre... I mean, kung meron akong matututunan na bago, mas okay yun, di ba? “Pero yung oras kasi, pag parang na-split ko between business or acting or whatever, hindi ko malalagay yung buong puso ko sa business. “And sayang naman, kasi malaki yung potential.” SIDELINE. Established na naman siya bilang businesswoman, ayaw ba niyang gawing sideline ang pag-aartista? Ayon kay Cristalle, “Alam mo, madami kasing opportunities 'pag nagbi-business ka. “Madaming opportunities at yung business kasi, walang hangganan, walang end point. “Hindi mo masasabi na, ‘Narating ko na ito, okay na ako!’ “Hindi. Parang 'pag narating mo na iyon, may bago kang makikita, meron kang bagong ideya na maiisip. “So, iyon yung hahabulin mo ulit. So, neverending, may hinahabol kang iba. And para sa akin, napaka-fulfilling yun. “Merong mga tao na dream na dream nila ang maging artista or mag- acting. E, para sa akin, ibigay na natin yung oportunidad na iyon para sa kanila, di ba?” CHOICE LEADING MAN. Kung magbabago ang isip niya, sino ang gusto niyang maging unang leading man? “Wow naman!” parang nabiglang sabi ni Cristalle. “Siyempre, para sa akin, of course, I will say our Belo men—Mr. Piolo Pascual, Derek Ramsay and, of course, Dingdong Dantes. “O, di ba? So, tatlong [TV] channels na yun,” sabay tawa niya. Paano niya ide-describe si Derek in one word? “Competitive.” Si  Dingdong? “Boy-next-door.” Si Piolo? “Twinkling eyes... I love him!” at muling tumawa si Cristalle. Halimbawang loveless sina Dingdong, Derek, at Piolo at sabay-sabay manligaw sa kanya, sino ang sasagutin niya? “Ay, wala na, ako na  ang reyna ‘pag ganoon! Salamat!” at tumawa si Cristalle. Sino ang sasagutin niya sa tatlo? “Kailangan pa bang magsagot? Bakit hindi puwede tatlo? Tatlo na lang!” tawa na naman niya. “Lahat love ko, Belo loves all of them and they all love Belo.” LINKED TO DEREK. Bakit nali-link si Cristalle kay Derek? “Dahil palagi kaming nagta-travel together. Pumunta kami sa Bukidnon kasama si Sir Joji, pumunta kami sa Bukidnon noong December… “Pumunta kami sa Palawan noong January ba yun o February? So iyon. “Tsaka, on top of that, endorser siya ng sunblock namin. This Holy Week nga pupunta kami sa Boracay together. “So naisip lang ng mga tao na nai-link kami, so sabi ko, ‘Well, Derek loves Belo naman,’ so… “We’re very close, as in I’m very close to his family. "So, right now, hindi ko siya nakikita bilang love interest—parang brother lang talaga... kapatid at barkada.” TOGETHER AGAIN. Balitang nagkabalikan na ang mommy niyang si Dra. Vicki Belo at si Hayden Kho. Ano ang masasabi niya rito? Sagot ni Cristalle, “Right now kasi, ayaw nilang i-label yung relasyon nila. “I know they’re very good friends. They also work together, I work with Hayden. “Pero kasi, sa nakita nilang experience, ang naging experience nila is pag nile-label nila yung relasyon nila, doon nagkakagulo. “So right now, they’re just saying, ‘We’re friends!’ “And we’ll leave it at that.” Kung sila na nga ulit, okay lang ba kay Cristalle? “Okay lang sa akin dahil kung saan happy si Mommy. “Nakikita ko naman nagiging bata siya, mas bata siya, at nag-e-enjoy siya sa buhay, so hayaan na natin. "At grabeng magtrabaho yung babaeng yun!” MUTUAL DECISION. Kumusta naman ang personal life ni Cristalle? “Loveless, unfortunately!” bulalas niya. Break na sina Cristalle at ang Azkals player na si Jason Sabio. “Si Jason kasi bumalik sa US, bumalik sa law school, so kailangan niyang tapusin iyon. “Iyon ang dahilan, kailangan talaga niyang bumalik.” Magkaibigan pa rin ba sila ni Jason? “Yes, yes! As a matter of fact, nagte-text-text pa kami, nag-a-update. “Kasi nasa law school siya ngayon, tapos, nagbi-Business Governance siya… “So sinasabi ko, ‘O, ano bang natututunan na puwedeng i-apply sa Belo?’ “So binibigyan niya ako ng mga ideas.” Sa University of Alabama nag-aaral ngayon si Jason at mutual ang desisyon nilang maghiwalay. “Mutual, mutual yung decision namin. Kailangan niya kasing matapos ang law school in five years so kailangan niya talaga bumalik.” Ayaw ba nila ng long-distance love affair? “Hindi namin kaya, e.” NO ADMIRERS. Wala raw nanliligaw ngayon kay Cristalle. “Actually, walang nanliligaw sa akin ngayon. Sad! Hindi ko alam kung bakit. “I guess kasi nakikita talaga nila yung oras ko ngayon, dine-devote ko lahat one hundred and one percent sa business, kasi naggu-grow din kami. “Alam ninyo naman yung baby ko is Sexy Solutions, so sana, alam ninyo yun and matulungan ninyo kami doon.” Kaya ang “boyfriend” daw niya ngayon ay ang negosyo nila. “My work… yes, and 'he' makes me very happy! Pito ang pet dogs ni Cristalle. “Actually nag-e-enjoy ako ngayon sa mga aso ko. Yung parang wala silang pakiyeme-kiyeme at wala silang demands.” “Pag umuuwi ka masaya sila na nandoon ka. Binibigyan mo lang ng konting atensiyon, masaya sila. “Iniiwan mo sila okay lang, wala silang complaints, di ba?” Ang mga breed ng mga alagang aso ni Cristalle ay Japanese Spitz, Shar Pei, Shih Tzu, Soft Coated Wheaten Terrier, at Jack Russell. -- Rommel Gonzales, PEP