Nagsalita na si Alice Dixson tungkol sa pagdi-divorce nila ng kanyang asawang si Ronnie Miranda. Matatandaan na sa huling panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Alice noong Disyembre, naging tikom ang bibig nito tungkol sa isyu. Ang tanging tugon ng aktres, “I never said anything like that. Those are just blind items that I don’t want to comment on them." Ayon sa Funfare column ni Ricky Lo sa Philippine Star ngayong araw, Pebrero 7, inamin ni Alice na nag-file na sila ng divorce ni Ronnie noong Disyembre ng nakaraang taon. Ang isinumite nilang rason ay “irreconcilable differences." “Yes, it was mutual," tugon ni Alice nang tanungin kung mutual decision ba nilang mag-asawa na tapusin ang kanilang pagsasama. Dagdag niya, “It took us a while to reach that decision because we really tried to work things out. “Sadly, things didn’t work out. “Around January 2012. We realized that we had a lot of irreconcilable differences." Hindi tiyak ni Alice kung gaano kahaba ang pagpo-proseso ng Canadian court upang ma-grant ang kanilang divorce. Ngunit sa pagkakaalam daw niya, ang isa sa requirements ng Canadian court ay “you have to be physically separated for at least a year." Pero pag-amin ni Alice, “Uhm, yes, Ronnie and I haven’t been in good terms for even longer than a year."
WHY END IT? Hindi gaanong makapagbigay ng detalye si Alice tungkol sa divorce dahil naghihintay pa raw sila ng “court decision" mula sa Canadian Court. Nakatira kasi silang mag-asawa sa Vancouver, Canada, at noong nakaraang taon ay pareho na silang nabigyan ng Canadian citizenship. Pero ang hindi malinaw ay kung ano ang basehan ng pagpa-file nila ng divorce sa grounds na “irreconcilable differences." Una nang nilinaw ni Alice na, “No, no third party." Hindi rin daw ang kanyang pagtatrabaho sa Pilipinas ang dahilan ng kanilang hiwalayan. “No, not at all," pagtanggi ni Alice. “We have been apart earlier in our marriage when I would come home for work. “First time I came back was in 2002 for a GMA soap and it lasted for three years. “But I would go back to Vancouver for visits and Ronnie would come to visit me, too. "We were connected, we got in touch. “So the distance has absolutely nothing to do with it." Dagdag pa niya, noong bumalik siya muli ng bansa noong 2006 nang pumanaw ang kanyang ama, maayos pa ang relasyon nila ni Ronnie. Katunayan, 2007 ay nagkalayo sila ulit nang kumuha ng real-estate license si Alice sa Amerika, at magtrabaho doon ng isang taon. Kuwento ng aktres, “In 2007, I went to the States to get my real-estate license and I worked there for a year, without Ronnie who stayed in Canada. “Laki ako sa States so I decided to have my training and my exams there. “Back in Vancouver, I worked with a residential real-estate company for a year and then I got an offer to do commercial real estate and that’s what I did for the next two years. “Before that, much earlier when I was newly-arrived in Canada, I did mostly production work for a Canadian TV company." Ngunit nang tanungin kung ang hindi nila pagkakaroon ng anak ang dahilan ng paghihiwalay nila ni Ronnie… “Uhm, that’s a sensitive issue," pag-iwas ni Alice. “I’m not ready to comment on it. “But, yes, if there’s chance, I would really like to have children." --
Joyce Jimenez, PEP