Ka-batch ni Diva Montelaba si Sarah Lahbati sa
StarStruck V. Si Diva ang First Princess at si Sarah naman ang itinanghal na Ultimate Female Survivor. Dahil sa tagal ng kanilang samahan buhat noon, naitanong tuloy ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Diva kung ano ang reaksiyon niya sa hidwaan ni Sarah at ng GMA-7. Sabi niya, “Nalungkot ako. E, di ba, she has a bright future ahead? “2013 sana will be a big year for her sana, pero nag-worry talaga ako sa kanya, sa nangyari. “Hindi ko pa siya nakakausap and I believe kailangan niya ng time muna."
NO DISCUSSION. Kahit bago umalis si Sarah ay hindi raw nila napag-usapan ang balak nito na bumalik ng Switzerland. Saad ni Diva, “Hindi. I mean, parang sa akin, kung tatanungin niya ako sa nangyari, wala rin akong masasabi kasi parang... alam mo yun? “So parang mas kailangan niya ng family muna ngayon—kailangan niya muna talaga ng time." Kailan niya huling nakita si Sarah? “Sa
Party Pilipinas malamang, sa Party P." Wala siyang napansin? “Wala naman. Kasi si Sarah, lagi lang siyang... wala lang, masaya lang. “Magaan lang lagi, so hindi ko talaga alam na may mga ganoon palang pangyayari." Hindi naniniwala si Diva sa balitang buntis si Sarah. “Hindi! I mean, ako personally, hindi. “Pero hindi ko talaga alam, e, wala talaga akong masyadong alam sa mga nangyari. “And, as much as I really wanna know, pero alam mo yun?"
SUCCESSOR. Biniro namin si Diva na since wala na si Sarah sa GMA-7, siya na ang papalit sa trono ni Sarah. “Hindi naman! Hindi naman yun beauty pageant, e—hindi naman ito pageant—iba naman yun!" ang tumatawang reaksiyon ni Diva. Kaya ba niyang isakripisyo ang career kapalit ng pag ibig? “Love in general? Oo, siguro kaya ko naman. Pero kasi mahal ko ito, e, mahal ko itong ginagawa ko. “Ang hirap talagang magsalita pag ganoon. "Kung puwede sanang i-manage yung dalawa nang sabay, why not? “Pero hindi mo siya malalaman hangga’t nasa situation ka na iyon pero ngayon gusto ko talaga both." Siya ba, napagsasabay niya ang career at relasyon nila ng kasintahang si Steven Silva? “Oo. Kasi dapat maintindihan ninyo sa isa’t isa kung ano ang trabaho mo, kung ano ang trabaho niya. “Tsaka dapat open-minded at nagkakaintindihan, dapat open-minded both kung ano’ng nagaganap, di ba?"
FINALLY. Bakit matapos ang matagal na panahon, sa wakas ay umamin sila ni Steven na sila nga ay may relasyon? Sagot ni Diva, “Wala lang. Kasi, dati kasi, parang feeling namin, mas secure kami na hindi naman sinasabi... na kami lang ang nakakaalam at saka close friends. “Tsaka noong time lang na iyon, parang wala na kaming choice, kasi parang lahat na nagtatanong. "So parang... just to end it up. “And, you know, parang thankful naman ako na noong sinabi namin, wala pa namang… “Kasi, ang takot namin dati kasi, na pag sinabi namin... alam mo yung ang daming makikialam, magiging isyu? Lahat-lahat. “Na puwedeng pagmulan ng breakup or something, ng problema, yung mga ganoon. “Pero wala naman, parang nakikita naman nila na, alam mo yun? Maayos kami."
BOYFRIEND’S PERMISSION. Natanong naman si Diva tungkol sa kissing scene nila ni Kristoffer Martin sa GMA-7 primetime soap na
Pahiram Ng Sandali. Sabi ng young actress, “Well, bago kami nag-taping, naipalam ko naman sa kanya [Steven] kasi alam ko namang may mga eksenang ganoon. “Si Steven, isa siya sa pinaka-nakakaintindi. Alam mo yun? “Sobrang open-minded niya aside from mature na siya, naiintindihan niya. “Nagpaalam ako, tapos hindi naman siya, ‘Ayoko!’ Hindi naman siya ganoon. "Well, it’s work... alam na niya yun. “Puwede naman na siya ang gumawa noon, paano pag siya ang may kissing scene? Ganoon din dapat ako ka-openminded. “So wala namang naging problema. Tsaka si Kristoffer Martin... “Diyos ko, friend namin yun! Good friend namin yun, so walang naging problema." --
Rommel Gonzales, PEP