Malaki ang pasasalamat ni Gwen Zamora kay Vic Sotto dahil tatlong taon na siyang gumaganap na asawa ni Bossing sa
Enteng Kabisote film series. Lumalabas siya bilang Faye Kabisote, ang engkantadang asawa ni Enteng. Una ay sa
Si Agimat at Si Enteng Kabisote noong Metro Manila Film Festival 2010, sumunod ay sa
Enteng ng Ina Mo noong MMFF 2011, at ngayong taon ay sa
Si Agimat, Si Enteng Kabisote at Si Ako. Bukod kay Vic, bida rin sina Senador Bong Revilla at Judy Ann Santos sa naturang entry ng Imus Productions, OctoArts Films, M-Zet TV, APT Entertainment, at GMA Films sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2012. Ano ang pakiramdam na, bilang engkantada, puwedeng mabago ang mukha o mapalitan ng ibang artista ang role ni Faye, pero hindi ito ginawa ni Bossing Vic? “Actually, na-surprise ako na kinuha ulit ako. "Hindi ko alam kung bakit pinagtitiyagaan pa rin ako ni Bossing. Joke lang!" pabirong sambit ni Gwen. “Pero it’s an honor talaga to be part of this movie, lalo na with Ms. Judy Ann and Senator Bong pa, di ba?" Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Gwen sa grand presscon ng
Si Agimat, Si Enteng Kabisote at Si Ako sa Annabel’s restaurant noong Disyembre 13. Malaki raw talaga ang nagawa ng film series sa kanyang career. “From the start talaga, this movie has been such a big break for me until now. “Every year, parang break pa rin siya sa akin kasi, first year, sa
Si Agimat at Si Enteng Kabisote, was already big kasi that was the first time na nagsama sila [Vic at Bong]. “After nun, si Bossing naman at saka si Ai-Ai [delas Alas] sa
Si Enteng ng Ina Mo, first time din yun. “Tapos ngayon si Juday at saka si Senator Bong, so honor talaga na isinali ako sa pelikulang ito."
NEVER COURTED BY VIC. Sa tatlong pelikulang pinagsamahan nila, ano ang masasabi niyang best sa pakikipagtrabaho kay Bossing Vic? “The best is he gives me the freedom of interpreting the way I would do my role. “Hindi niya kinokontrol kung paano ko iaarte but instead he helps me by giving tips, ganun. “Kasi I’ve never been a mom or been a wife, so I don’t really know how to do it. Pero I think I interpreted Faye in a right way." Sa pelikula kasi ay dalawa na ang anak nina Faye at Enteng. Ano ba ang mga natutuhan niya kay Bossing? “Nung first year, natuto talaga ako kay Bossing. Tinuruan niya ako kung paano mag-angle. "Kasi I’m a stage actress, e, so I’ve never worked with cameras before. “Kasi sa
Bubble Gang, parang lahat ng cameras naka-set na, e, so puwede kang gumalaw ng kahit ano. “Unlike sa movies, talagang precise yung angles. “Tapos ako, coming from stage, my mouth moves a lot, my eyes move a lot. “So, itinuro sa akin ni Bossing na i-lessen yung mga movements, mga ganun." Nakilala si Bossing na nali-link o di kaya’y nakikipagrelasyon sa kanyang co-host o leading lady. Siya ba ay niligawan ni Bossing—ever? “Naku, hindi po. Wala pong nangyaring ganun." Dahil ba may Pauleen Luna na si Bossing, kaya kampante siyang hindi na siya liligawan ni Vic? “No comment po on that. Basta kami po ni Bossing, we’re friends po, and I’m happy na hindi siya nagsasawa sa akin as Faye."
DISCOVERING BONG’S COMIC SIDE. Pangalawang beses na niyang makatrabaho si Senator Bong. May bagong na-discover ba siya sa actor-politician? “Wala naman. Yung first time kasing nag-work kami, I never expected na he’s such a comedian pala on and off screen. “Kasi when you first meet him, akala mo serious, kasi senator, di ba, tapos action man. “Yun pala, super-nakakatawa siya pati yung jokes niya. “Parati siyang humihirit, nakakatawa siya sa set."
IDOLIZING JUDAY. Inamin naman ni Gwen na idolo niya si Judy Ann pagdating sa pag-arte. “Ang galing kasi niyang umarte, di ba? She’s really one of my idols." Ano naman ang na-discover niya kay Juday? “Mahilig talaga siyang kumain. Pero nakakainis kasi parang hindi siya tumataba. “Every shooting day, may siomai, may Goldilocks [na ine-endorse ni Juday]. Ang daming food all the time. “Tapos, what I love about Juday is the way she can change her self. Yung off-cam, iba siya, tapos on-cam, iba. “Ang galing nang pag-morph niya, yung the way she talks, iba siya sa totoong buhay. “Doon ko nakita na, ‘Wow, talented talaga siya!’"
NOT FRUSTRATED TO HAVE TITLE ROLE ON TV. Kung sa pelikula ay naging leading lady na siya ng big star at nagbida na rin sa pelikulang
The Witness [2011], sa telebisyon naman ay pawang supporting roles pa lang ang ginagampanan niya. Hindi ba siya napu-frustrate na di pa magkaroon ng title role sa TV? “Hindi naman... I don’t know. Maybe there’s a reason kung bakit wala pa." Hindi ba siya naiinip? “Hindi naman, kasi parati naman akong busy. Palagi naman akong may show o may movie. "Hindi naman ako pinababayaan ng GMA." Napapanood siya ngayon sa primetime teleserye ng GMA-7, ang
Aso ni San Roque. Ginagampanan niya rito ang role ni Anaira, isang aswang ng tubig. “Hindi naman siya totally kontrabida talaga. "Before, reyna siya ng dagat. Tapos parang malapit na siyang mamatay, tinulungan siya ng hari ng mga aswang para maging aswang. “Tinanggap niya siyempre kasi ayaw niyang mamatay. “Hindi naman siya masama. Ayaw niyang tumulong sa mga aswang kasi ayaw niyang madamay sa mga masama. “Pero yung problema niya, gustung-gusto niya ng anak kasi ninakawan siya ng anak ng mga aswang. “So, parang naloka siya at gusto niyang kunin si Fatima [Mona Louise Rey]." Pinakamahirap na role daw na ginampanan niya sa kanyang career si Anaira. “To be honest, si Anaira is so far the hardest role I’ve played. I’ve never played a bipolar character. “Tuwing nakikita ko yung script, parang, ‘Oh my, paano ko gagawin ito?’ But I’m happy to be given this role." --
Glen P. Sibonga, PEP