Filtered by: Showbiz
Showbiz

Gladys Reyes on Iglesia Ni Cristo movie Ang Sugo


Hindi na kataka-taka na mapasama si Gladys Reyes sa cast ng gagawing pelikula tungkol sa Iglesia Ni Cristo (INC)—ang Ang Sugo (The Last Messenger). Isa kasi sa aktibo at tapat na miyembro ng INC si Gladys. Pagbibigay-impormasyon pa ni Gladys tungkol sa pelikula, “Kasi next year, ika-one hundred years na ng Iglesia. “It’s our offering also at ‘eto ang biggest movie na gagawin namin.  “And then, ipapakita ang three generations of Manalo.  “Siyempre, mag-uumpisa sa Sugo, kay Ka Felix Manalo, dahil siya ang nagpalaganap ng aming preaching, Iglesia.  “Since 1914 up to the present, yun ang ilalarawan, kaya three generations." Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Gladys sa press launch ng Ang Sugo noong Martes, November 27, sa Quezon City Sports Club. Nalaman daw ni Gladys ang pagsasapelikula ng kasaysayan ng INC sa pamamagitan ni Arlyn dela Cruz, na siyang in-charge sa production, may isang buwan na ang nakararaan. Na-excite daw siya nang malaman ito. “Siyempre, parang naiisip ko, looking forward ako na, for the first time, magkakaroon ng pelikula ang Iglesia. “Proud na proud talaga kami tapos part kami nito.  “Sabi nga namin, kahit na anong role, basta part kami nito.  “Kasi, ito ang way na idedetalye namin kung paano naging messenger si Ka Felix Manalo." Bilang kilalang miyembro ng Iglesia Ni Cristo, mao-offend ba si Gladys kung sakaling hindi siya isinama sa pelikula? Aniya, “Hindi naman. I’m sure, baka maaaring walang babagay sa akin [na role]. “Pero kung hindi man on-cam, puwede rin akong tumulong off-cam.  "Kahit ano pa, kahit for free pa." May talent fee ba siya rito? “Oo naman, meron. “Hindi lang siya biggest movie of the century, siya rin ang magiging most expensive movie of the century," pagmamalaki ni Gladys. Posible raw umabot sa "mahigit 300 million pesos" ang magiging budget ng Ang Sugo. Kung walang magiging pagbabago, posible raw na ang gagampanan ni Gladys sa pelikula ay ang ina ni Ka Felix na matagal nang namayapa.   Si Richard Gomez ang gaganap na Ka Felix. BALIK-KAPUSO. Samantala, balik-Kapuso na naman si Glayds pagkatapos ng tatlong taong pagtatrabaho sa ABS-CBN. Ang huli niyang regular show sa Kapamilya network ay ang primetime soap na Ikaw Ay Pag-ibig. Ang una naman niyang show sa kanyang pagbabalik sa GMA-7 ay ang public-service program na Nay-1-1 kunsaan kasama niya si Jaya.   Pumirma na rin daw si Gladys ng dalawang taong kontrata sa Kapuso network.                 “Gagawa ako ng soap at sitcom," banggit niya. Bakit siya umalis sa ABS-CBN at bumalik ng GMA-7? “Kasi, yung offer nila, hindi ko naano [natanggihan] ang Nay-1-1.   “Siyempre, mommy show. Nag-o-offer siya ng ibang flavors.  “Yung Moments ko [sa Net 25], iba naman from this one.  “Eto, sumusugod talaga kami sa mga bahay." Kailan sisimulan ang teleserye niya sa GMA-7? “Hindi ko alam kay Nay Lolit [Solis, her manager]. “Kasi, si Nay Lolit, tatawagan lang ako kapag one day before, ayan na.  So, hindi ko alam kung nakapag-negotiate na siya.   “Excited naman ako kasi marami pa akong hindi nakatrabaho sa  GMA." Sinu-sino pang Kapuso stars ang mga gusto niyang makatrabaho? “Of course, nandiyan sila Marian [Rivera]... “Although, naa-appreciate ko naman siya na kahit never pa kaming nagkatrabaho, every time na magkikita kami sa guesting, talagang tumatayo siya, bumabati siya, humahalik siya. “So, na-appreciate ko sa kanya yung ganoong gesture niya na kahit hindi pa kami nagkatrabaho, mararamdaman mo naman ang respeto sa katrabaho." Ang boyfriend naman ni Marian na si Dingdong Dantes ay naging direktor na noon ni Gladys sa Kakabakaba Adventures, bagamat hindi pa sila nagkakatrabaho sa isang soap. MTRCB BOARD MEMBER. Kasalukuyan pa ring Board Member ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) si Gladys.  Kahit hindi na si Grace Poe ang chairman ng MTRCB—dahil tatakbo ito sa pagka-senador at pansamantala siyang pinalitan ni Direk Maning Borlaza—gusto raw ituluy-tuloy ni Gladys ang pagiging member niya ng Board. Nag-e-enjoy siya sa pagiging Board Member? “Oo... unang-una, mahilig akong manood. “Pangalawa, mas lumalawak ang kaalaman mo sa mga palabas dahil, unang-una, parang nanay ka.  “Nilalagay ko palagi ang sarili ko na kung ako ba yun, papayag akong mapanood ito ng mga anak ko? So, pinapagana ko rin, hindi lang ang pagiging Board Member, kung hindi maging ang pagiging ina rin. “Pero siyempre, dapat open-minded ka rin. Hindi naman dapat yung sarado ka. “As much as possible, dapat balansehin. Para naman hindi mag-suffer yung quality, artistic quality ng mga pelikula," saad niya. -- Rose Garcia, PEP