On time dumating si Senador Ramon âBong" Revilla Jr. sa contract signing niya sa GMA Network nitong Martes, November 20, sa 16th floor ng GMA Network Center. Present sa contract signing ang top Kapuso executives na sina Atty. Felipe Gozon (chairman and chief executive officer,) Mr. Gilberto Duavit (president and chief operating officer), Ms. Lilybeth Rasonable (GMA Entertainment TV officer-in-charge); at ang manager ni Bong na si Ms. Lolit Solis. Masaya ang naging presscon pagkatapos ng contract signing ni Senator Bong. Ayon kay Bong, âThis is my eleventh year na sa GMA at hindi ito ang first time kong pumirma sa kanila. âGusto ko nga lifetime contract, pero two years uli pinirmahan ko ngayon. âMatagal na ako dito, simula pa nang gawin ko ang
Idol Ko Si Kap [2000-2005], nagtuluy-tuloy na ang projects ko."
HISTORICAL EPIC. Isang malaking proyekto ang ginagawa ngayon ni Bong sa GMA-7âang historical epic na
Indio. Tatalakayin daw ng teleserye na ito kung paano sinakop ng mga Kastila ang Pilipinas. Ito raw ang pinakamalaking project ng GMA-7 na magsisimula sa 2013. Bakit niya tinanggap ang offer gayong kakailanganin niya ang malaking oras para sa taping? âNaisip kong ito na ang right time para gumawa ako ng isang drama series na bata-bata pa ako at cute pa," pagbibiro ni Bong. Ang GMA-7 daw ang nag-conceptualize ng story na isinulat ni Suzette Doctoleroâna siya ring sumulat ng epicseryeng
Amaya ni Marian Rivera. Patuloy ng actor-politician, âNagustuhan ko ang concept. Alam kong mahirap, pero naniniwala akong kayang gawin ito ng GMA. âNagsimula na kaming mag-taping two months ago under Dondon Santos. âAng mga location namin, Pagsanjan, Subic, Bolinao in Pangasinan, Tanay⦠Malalayo, pero makikita natin ang kagandahan ng ating bansa. âAlam ko, sakripisyo sa akin ito, pero rest assured na hindi ko pababayaan ang trabaho ko bilang public servant. âPuwede akong mag-taping after ng session ng Senado, na nagsisimula ng 2 p.m. araw-araw." Malaking bahagi raw ng talent fee ni Bong sa
Indio ay mapupunta sa kanyang foundation na itutulong naman daw niya sa mga tao. Apat ang leading ladies ni Senator Bong sa
Indioâsina Jennylyn Mercado, Rhian Ramos, Maxene Magalona, at Solenn Heussaff. Kuwento pa niya, âNapakalaki ng cast namin dahil magsisimula ito nang bata pa ako. âMagiging ina ko si Sarah Labhati, na dati ay child star lang namin noon sa
Idol Ko Si Kap. âAampunin naman ako ni Agot Isidro, at iba-iba rin ang gaganap na bata, teenager na Indio, hanggang sa maging ako."
LOYAL KAPUSO. May offers daw sa kanya ang ibang networks, bakit nanatili siyang Kapuso? âAng puso ko ay narito sa GMA dahil isa akong Kapuso," nakangiting sagot ni Bong. âSaka paano ko naman iiwanan ang isang istasyon na hindi ako pinababayaan sa lahat ng mga ginagawa ko? âSaka, masaya ako na sa akin nila ipinagkatiwala ang isang malaking proyekto na pinag-isipan at pinagkagastusan nila. âKaya naman ito ang regalo ko sa mga manonood at sa GMA." Bakit 2013 pa ang napili niyang pagsisimula ng kanyang big project? âNumber 13 is my lucky number at wala akong makitang masama na magsimula sa taong ito," sagot niya.
KAPUSO EXECUTIVES. Kinuha rin ng PEP ang pahayag ng GMA-7 executives sa pagpirma muli ni Bong sa kanila. Ayon kay Atty. Gozon, âMasaya kami sa pagiging loyal ni Senator Bong sa GMA, kaya naman ang pinakamalaki naming proyekto for 2013 ay sa kanya namin ibinigay." Sabi naman ni Mr. Duavit, âBukod sa respeto natin sa kanya bilang public servant at artista, naroon ang friendship. âWeâve been very good friends, and the loyalty and the effort he puts in his work with us, bukod-tangi iyon." Binanggit din ni Atty. Gozon na mag-iikot si Senator Bong sa ibaât ibang panig ng Pilipinas para i-promote ang Indio. Nagbiro rin si Atty. Gozon na baka ito na ang huling proyekto na gagawin ni Bong sa kanila dahil baka raw iba na ito pagdating ng 2016. Balita kasing kakandidato na sa mas mataas na posisyon ang actor-politician. Sabi naman ni Senator Bong, âNaniniwala ako sa destiny. Pag dumating, salamat. Kung hindi, dito lang ako sa GMA." Ipinaalam din ni Bong sa PEP na tapos na ang shooting ng 2012 Metro Manila Film Festival entry na
Si Agimat Si Enteng at Si Ako nila nina Vic Sotto at Judy Ann Santos. Dubbing na lamang at special effects na lang daw ang kulang. --
Nora V. Calderon, PEP