Filtered By: Showbiz
Showbiz

Revilla and Ynares clans mourn death of Gov. Ynares and Andrea Bautista's daughter


Isang panibagong trahedya na naman ang dumating sa pamilya Revilla at Ynares nang namatay ang sanggol na ipinagbubuntis pa lamang ni Andrea Bautista-Ynares, maybahay ni Rizal Governor Junjun Ynares. Walong buwan na sa sinapupunan ni Andeng (palayaw ni Andrea), ang sanggol at isisilang sana niya ito sa Setyembre. Noong Biyernes, August 24, ay nagpa-check-up si Andeng sa kanyang OB-Gyne dahil naramdaman daw niyang parang mahina ang galaw ng kanyang baby. Sa ultrasound, nalamang patay na pala ang sanggol sa sinapupunan ni Andrea dahil sa pagkapulupot ng umbilical cord sa kanyang paa na naging dahilan ng hindi pagdaloy ng dugo nito. Kaagad na isinugod sa hospital si Andeng upang operahan at tanggalin ang patay na sanggol sa kanyang sinapupunan. Iyak nang iyak si Andeng pagkatapos siyang operahan at hinintay na lang siyang lumabas ng hospital para bigyan nang maayos na libing ang baby. Pangatlo sanang baby girl ito nina Andeng at Governor Ynares. Pinangalanan nila ang sanggol ng Audrey Anne. Si Andrea o Andeng ay anak ni former Senator Ramon Revilla Sr. at nakababatang kapatid ni Senator Bong Revilla Jr. Naging child star din siya noon at lumabas sa mga pelikulang Dang-Dong (1980) at Tropang Bulilit (1981). Isa si Andeng sa namamahala sa Imus Productions, ang film company na pag-aari ng pamilya Revilla-Bautista. Si Casimiro "Junjun" Ynares III naman ay kasalukuyang gobernador ng bayan ng Rizal. NECROLOGICAL SERVICE. Inilibing si Audrey Anne Bautista Ynares noong Miyerkules ng hapon, August 29, sa mausoleum ng pamilya Bautista sa Angelus Memorial Park sa Imus, Cavite. Dinaluhan ito ng buong pamilya nina Andeng at Governor Junjun na kagaya nila nagdadalamhati rin sa pagkamatay ng isang bagong miyembro sana ng kanilang pamilya. Kabilang sa nakipaglibing si ex Sen. Revilla Sr., na ilang beses nakitang umiyak. Hindi na napigilang mapahagulgol ng Revilla-Bautista patriarch nang ipinakita sa kanya ang apo na nasa loob ng maliit na kulay pink na kabaong. Inalalayan na lamang siya ni Senator Bong Revilla at ng iba pa niyang mga anak. Pagkatapos ng misa at magbigay ng panalangin para kay Audrey Anne, nagsalita rin si Andeng para iparating ang kanyang taus-pusong pasasalamat sa kanilang pamilya at malalapit na kaibigang nagbigay ng suporta sa pinagdaanan nilang mag-asawa. Sa gitna ng pag-iyak nito ay naiparating ni Andeng ang kanilang naramdaman sa maagang pagpanaw ng kanilang baby. Ayon kay Andeng; “I am lost for words really of what had transpired just a few days ago... “Jun and I were looking forward to welcoming our new baby girl. “We were all set and ready; all we needed was to choose a day for my surgery. “This episode in my life is like a bad dream and I am trying to slowly grasp and process what happened. “I ask patience and forgiveness if you all see me still dazed. I was not ready for this challenge in my life. “Nevertheless, I am brave to face this... and I know that only time and love will heal me. “Jun and I have been wanting to have another baby... though we wanted a boy, nevertheless we both were excited to have Audrey. "Even her Ate Cassa and Ate Via were preparing to be the best ates for her." Hindi rin napigilang maiyak ni Governor Junjun nang binanggit ni Andeng ang paghihirap na nararamdaman niya sa maagang pagpanaw ng pangatlo nilang baby. Sabi ni Andeng, hanggang ngayon ay hindi pa rin niya maisip kung bakit nangyari ito sa kanilang magiging anak. Umiiyak na sabi niya, “I will not question God's plans. I know He knows best. “And though there is a longing in my heart to have my Baby Audrey with me... to hold her and raise her together with Cassa and Via, I know and I accept that God allowed her to be with me in my womb for eight months—where we had a special bond that only she and I understand. “There is much wisdom in what God is teaching me... and I know that, what the enemy meant for evil, God will turn around for good. “It will take time for me to accept the things I cannot yet fully understand now... but one thing is for sure: the life Audrey had in my womb will not go in vain. “I will be a better person even in my loss. “I know I will appreciate Jun more and our beautiful daughters Cassa and Via. “We will be stronger and we will be more bonded than before our loss came about." Habang nagsasalita si Andeng ay humahagulgol na rin si Governor Junjun habang yakap-yakap nito ang panganay nilang anak na si Cassandra na umiiyak din. Bahagi pa ng mensahe ni Andeng" “Our faith is being tested and I say... God, I give thanks to You in all things... “I will not only give thanks to You in happy and good times... I still give thanks to You even in our pain and in our suffering. “You know what is best for my Baby Audrey. “You know the beginning and the end, and it pleased You to give her peace and rest. “I pray that You please give me wisdom and grace to accept things I cannot change. “My heart is in pain but I surrender to the will of our Heavenly Father." ANOTHER AUDREY. Taus-puso ring nagpasalamat si Governor Junjun sa kanilang pamilya at malalapit na kaibigan. “Hindi namin alam kung ano ang gagawin. Pero all our friends, all our relatives took care of everything. “Wala na kaming dapat kinakailangan gawin. They did everything for us," sabi ng 39-year-old governor. Dagdag pa niya, “Without Andeng knowing, I already spoke to her sisters, her close friends. “Sabi ko kung maaari, ngayong tapos na, nailbing na, sana tuluy-tuloy pa rin yung pagbisita nila sa bahay, because I have to go back to work. “There’s no time for grieving, baha pa rin sa Rizal. “That’s why I explained to her family last night na kung maaari, mas dalasan pa nila ang pagdalaw. Doblehin pa kung maaari ang pagdalaw nila sa bahay." Itong nangyari sa kanila ay hindi naman daw dahilan para matakot si Andeng na mabuntis uli. Napapag-usapan na nga raw nilang sundan na nila ang kanilang baby Audrey. “Pag may mga lighter moments, pinag-usapan na namin na sundan na agad," napangiting sabi ng Rizal governor. “Kanina, si Cassandra habang umiiyak, sabi ko, ‘Don’t worry, we’ll make another Audrey.’ “Then she said, ‘I want ten.’ “Sabi ko, ‘Anak, that’s too many.’ “’Okay,’ sabi niya, ‘one Audrey and one Andre or Andrew.’ “Yun ang ipinangako ko sa mga anak namin kung ibibigay ng Panginoon of course." Dahil sa nangyaring ito, lalo raw silang magba-bond na mag-anak at kailangan daw nilang bigyan pa ng sapat na panahon ang dalawa nilang anak. “Alam namin kung gaano ka-precious ‘tong mga anak namin. Sobrang mahal na namin. “Hindi na namin alam kung kaya pa naming higitan ang pagmamahal namin sa mga anak namin. “But, after today, talagang…kung maaari yung oras namin, damihan pa for the kids. “Kasi ang pagmamahal nandiyan na, e, pero yung oras, yung panahon, kung puwede damihan pa, dahil napakaiksi ng panahon namin dito," saad ni Governor Junjun. SENATOR BONG. Ibinahagi rin ni Andeng sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na lagi raw siyang pinapayuhan ng kuya niyang si Senator Bong Revilla na magpakatatag para sa kanilang dalawang anak. “Sabi niya sa akin, ‘Andeng, be strong, kaya mo ‘yan.’ “Kagabi daw napaniginipan niya yung mommy ko. My mom was very happy. “Siguro gusto niyang iparating sa amin na, ‘Don’t worry about Audrey and me, I’m gonna take care of her,’" kuwento ni Andeng. Ang ina nina Andeng at Bong ay si Azucene Mortel-Bautista na sumakabilang-buhay noong 1998. -- Gorgy Rula, PEP