PEP EXCLUSIVE: Sa pamamagitan ng Facebook private messaging, nakapanayam ng PEP. ph (Philippine Entertainment Portal) ang aktres na si Beth Tamayo. Matagal na ring nag-lie low sa kanyang showbiz career si Beth, ngunit kahit wala na siya sa Pilipinas, paminsan-minsan ay may mga sumusulpot pa ring intriga tungkol sa kanya. Kaya ang unang itinanong namin sa kanya ay kung kumusta na siya, saan siya naka-base ngayon, at kung saan siya nagtatrabaho. “I’m doing well. Been based here in NYC since January of 2009. “Right now I work in a public relations company as an executive receptionist/admin assistant. "I also have another job in a restaurant as a hostess every Friday and Saturday night. "You know, New York lifestyle, juggling two to three jobs para makaipon ng slight since medyo mahal ang standard of living here. "Curacha ang babaeng walang pahinga lang ang peg ko!" biro ni Beth.
INTRIGUES. Ano ang nagiging reaksyon niya kapag paminsan-minsan ay may mga sumusulpot na intriga tungkol sa kanya kahit wala na siya sa Pilipinas at wala na siya sa showbiz? “Siyempre hindi ko naman maiiwasan na malungkot or to feel bad about some issues coming out about me, though alam ko naman kung ano’ng totoo. "But I just don’t let it ruin my day. I try not to get affected. "I’d rather work myself to death instead na isipin ko pa yung mga tsismis na hindi naman totoo." Totoo bang may mga pinagdadaanan siyang mga problema? Paano niya naha-handle ang mga ito? “Hindi naman ako nawawalan ng problema, e. "I have an ongoing divorce na hindi pa din nare-resolve kahit more than one year na kasi si Johnny is not cooperating that much." Ikinasal dati si Beth sa businessman na si Johnny Wong. “Then siyempre," patuloy ni Beth, "meron akong kaso sa Manila na hindi ko pa nahaharap. "I already have the case information but I’m still looking at my options on how I should handle it." Ang tinutukoy ni Beth ay ang multi-million estafa case na isinampa laban sa kanila ng dating asawa. “Ako naman, I try to be positive in life as much as I can. I pray daily and go to church regularly. "I’m faithful and hopeful na in God’s time ay maaayos din naman lahat ng problema ko. “Mahirap lang kasi na malayo ka sa immediate family mo and closest friends when you’re going through so much—na minsan wala ka namang magawa kundi umiyak na lang talaga. “But I’m very lucky na I have an awesome support group here in NYC. I have found a second family here with the friends I’ve made. "Mabait talaga si Lord kasi He introduced me sa mga maaayos at mabubuting tao dito sa New York." Ano ang isang bagay na wini-wish ni Beth ngayon? “My only wish for now is sana ma-clear ko yung name ko sa mga estafa cases that were filed against me. “Siguro once I start fixing that, everything will follow na din. Unti-unti ko nang maiaayos yung mga problemang iniwan ni Johnny sa akin," saad ni Beth. --
Rommel Gonzales, PEP