Muling nagbabalik sa pag-arte si Angelu de Leon sa bagong afternoon soap ng GMA-7 na
Hindi Ka Na Mag-Iisa pagkatapos niyang magsilang sa kanyang ikatlong anak. Four months na si Rafa, ang anak nila ng kanyang asawa na si Lorenzo "Wowie" Rivera. Ayon kay Angelu, “Sobra naman akong thankful. Actually, ano na ‘to, e, medyo prolonged. “Matagal nang meron, pero sabi ko nga, because I’m breastfeeding." Matagal na pala sa kanya ang four months since giving birth? “Oo, doon ko na-realize na matagal na pala ang four months!" natatawang sabi ni Angelu. “Bukod sa nakikita mo sa finances mo na, ‘Oh, my God! Calamity funds lang ito, walang pumapasok!’ “Pero nami-miss ng katawan mo and because I’m really... sabi ko nga, medyo naka-focus ako sa motherhood na mag-breastfeed. “So, three months akong nag-breastfeed."
CHILD REARING. Ang dalawa niyang anak na sina Nicole at Louise ay hindi raw siya masyadong nakapag-breastfeed, hindi 'tulad ni Rafa na full three months breastfeeding ang ginawa niya. Aminado naman si Angelu na ibang-iba ngayon ang pakiramdam at ginagawa niya bilang mommy sa ikatlong anak. Una siyempre, may mister na siyang katuwang. “Ibang-iba. Ni hindi ko in-imagine na magiging ganito siya. "Kahit noon, kasi siguro hindi ko na nga in-imagine na ikakasal ako. “So, yung expectation ko bilang kung sino ang mapapangasawa ko, walang ganoon. “At kung meron man, nasobrahan, na-exceed-an. Hindi na ako yung nagpumilit, e. Hindi na ako." Wala ba siyang guilt feelings sa kanyang dalawang anak na babae? Sagot ni Angelu, “Sabi ko nga, hindi mo naman na maibabalik ang oras. "So, kung makakabawi ka man, ibawi mo na lang in the present and in the future. “Kasi, kung igi-guilt mo pa yun, wala rin, e. “Imbes na ang pinaparamdam mo sa anak mo, pagmamahal ang ibinibigay mo sa kanila, hindi ako worthy na maging nanay. “So, baligtad." Dugtong niya, “Siguro yun din ang ibinigay sa akin na wisdom. Kasi, may ibang nanay would like to go on pity. “Siguro dati, ganoon na ako. Tama na, para ngayon naman, baguhin na natin."
NEW SIBLING. Mahal na mahal daw ng dalawang girls ni Angelu ang kapatid nilang lalaki. “Super love nila. Hindi na ako nahihirapan. “Like kapag sinabi kong sila naman ang magbuhat dahil magtitimpla ako ng gatas o may kukunin ako, game sila. “Minsan naman, kapag may taping at umaga na akong uuwi, nandoon siya sa kuwarto ng mga girls. Nandoon ang crib niya. "So, paggising niya, buhat na siya ng anak ko dahil papasok na sila sa school. “So, ano nga... nakakatuwa. Hindi ko talaga na-imagine, hindi ko talaga siya na-picture." Ano na ang mga nabago kay Angelu ngayong may kumpletong pamilya na siya? “Wala nang kalokohan!" natatawa niyang sagot. “Kung gumigimik man ako, kasama ko ang asawa ko. "Pero ang mas maganda, hindi niya ako pinipigilang maging ako. “Meaning to say, kapag may trabaho ako, masaya siya for me. He doesn’t take it against me. “Nakakatuwa lang kapag maglalakad kami sa mall, pinagkakaguluhan ako, sinasabi niya, ‘Sikat ka pa rin pala ‘no?’ Sabi ko, ‘Bastos ka!' “Siguro kasi, noong nakilala niya ako, hindi niya ako nakilala na Angelu na artista. Nakilala niya ako na yung ako na. “So ngayon, parang sabi ko nga, ang pinakaiba, siguro mas kailangan muna naming alagaan ang sarili namin, kasi nga, bata pa yung anak ko. “Parang you want to live a healthy life, a good life dahil alam mong may isa ka pang aalagaan. “By the time na hindi ka na makakita o makalakad, okay siya. Yung ganoon."
NEW ACTING STRATEGY. Unang beses na makakasama ni Angelu si Jennylyn Mercado sa
Hindi Ka Na Mag-Iisa, kung saan isa siya sa mga kontrabida. Ano ang magiging atake niya sa role? “Yun, medyo pamagain ang mukha niya!" natatawa niyang sabi. “Dati kasi, mahilig akong mandaya. E, alam yun ni Direk Gil [Tejada]. “E, ngayon, parang sinabi niya na as much as possible... kasi nga, yung atake namin dito, hindi medyo OA [overacting] na over na kontrabida. “Pero alam mong makaka-relate ka kasi alam mong merong isa sa pamilya mo na katulad ni Jordana. “Yung kung meron kang magagawang masama sa kanya, gagawin mo. Pero ayoko rin naman yung lagi na lang pasigaw. “May time pa rin na ganoon, pero kay Jen, physically, feeling ko, magkakaroon kami ng mga moment magkakasakitan. “Pero sabi ko, unang-una, wala naman kaming personalang dalawa. We’ll just help each other out."
SIMILAR EXPERIENCES. 'Tulad ni Angelu, nagkaroon din ng baby si Jennylyn at the prime of her career, nakikita ba ni Angelu ang sarili niya kay Jennylyn noon? “Naku, kaya nga sabi ko, babantayan ko huwag dumoble. Pero mukhang mas mabait. “At saka, parang mas okay siyang mamili ng lalaki!" natatawa niyang sabi. Dagdag ni Angelu, “Sabi ko nga, buti na lang matatalino na ang mga kids nowadays." Ang huling teleserye ni Angelu ay ang
Sisid kunsaan nabuntis nga siya at medyo natigil. Pero sa pagbabalik niya ay Kapuso pa rin siya. “Kami naman, we’re very, very thankful to GMA. Never naman nila akong pinabayaan. "Even though they know na I’m a freelance artist at hindi ako nakakontrata sa kanila, I always have the respect on whoever called me first. “Di ba, nakaisip sa akin na una akong bigyan ng proyekto? “Siguro sa akin, hindi na nga importante sa akin na makilala pa ako na ganoon kalaki. Hindi ko rin naman masasabing traba-trabaho lang. “It’s more on kung sino ang nagbibigay sa akin ng importansiya, it’s more on ibalik ang importansiya sa kanila." --
Rose Garcia, PEP