Filtered by: Showbiz
Showbiz

Jean Garcia on her current date: 'Non-showbiz. Gusto ko naman non-showbiz na talaga'


Kahit kontrabida madalas ang papel niya sa mga teleserye, sa tunay na buhay ay never daw na nanakit nang pisikal si Jean Garcia. Sabi ng aktres sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Palagi kong tinuturo, maski sa mga anak ko, na ang kamay, ginagamit pang-caress... pang-pat ng shoulder... pang-embrace... alam mo yun? “Hindi pang-sampal, hindi pananakit. “Kasi para malagay sa mind nila yun, maisip nila na hindi dapat nananakit ang isang tao talaga. “Puwede ka sigurong magsalita ng masakit, kasi siyempre tao ka lang. “Pero yung manunulak ka o mananakit nang pisikal, hindi mo dapat ginagamit ang kamay mo, di ba?" pahayag ni Jean. DISCIPLINARIAN MOM. Malayo sa image niya na kontrabida sa television at pelikula na nananampal at nang-aapi… “Alam mo, dumating na nga ako sa point na… kaya ang mga anak ko… hindi naman kasi sila iyakin, e—si Jennica, si Kotaro. “Ang ano [command] ko sa kanila, ‘Stand in the corner, face the wall!’ Iyan ang ano ko sa kanila. "Pero kung minsan yung parang kailangang i-disiplina hindi ko gagamitin ang kamay ko, e. “Gagamit ka ng ruler or gagamit ka ng tsinelas, pero hindi ko pa rin natutuloy. “Kaya sila, si Jennica hindi nananakit, hindi sila marunong manakit. “Maski yung anak kong bunso… kaya lang minsan dahil all-boys school, e, minsan yung mga bangga-banggaan na ganyan. “Naku minsan, nao-office [principal’s office] ako dahil nagkukulitan itong mga bata, bully-bully, nao-office kaming mga magulang! “Yung anak ko talagang, ‘Honey, what did I tell you? Di ba, ever since I’m telling you, di ba?’ “'Tapos sasabihin, ‘E, kasi mommy he’s so kulit e, he pushed me kaya I pushed him back,’ yung mga ganun. “E, bata, siyempre eight years old, nine years old... so iyon pero… “Basta yung mga bagay lang na I believe in, na feeling ko ito talaga ang prinsipyo ko sa buhay na puwede kong i-share sa kanila, sinasabi ko nang diretso." LOVELIFE. Kumusta naman ang lovelife ng isang Jean Garcia? “Palagi namang tinatanong ang lovelife ko. Ano ba?" sabay tawa ng aktres. “Masaya lang, masaya, okay lang, busy. Masaya." Busy ang lovelife? “Hindi! Busy sa trabaho kaya hindi masyado sa lovelife. Masaya lang—tahimik lang." Pero meron? “Masasabi bang meron? Dume-date. Normal lang." Showbiz? “Non-showbiz. Gusto ko naman non-showbiz na talaga, beh! “Tama na 'yang mga showbiz-showbiz na 'yan!" at muling tumawa si Jean. Wala pang formal na agreement? “Wala pa, wala pa." Ilang months na ba ang dating? “Ilang buwan na ba? Nito lang!" at muling napatawa si Jean. END OF TELESERYE. Samantala, mixed emotions ang nararamdaman ng aktres sa pagtatapos ng Alice Bungisngis and Her Wonder Walis ngayong Biyernes, June 8. “Masaya dahil maganda ang naging performance ng show sa ratings, at na–extend kami ng two weeks, huh! “Kaya happy kami ng buong cast. “Kasi dapat hanggang May lang kami, e, so na-extend pa kami ng June 8. “At the same time, siyempre malungkot dahil mami-miss mo yung mga nakasama mo sa show nang matagal sa taping. “Pero at least, ang iniisip namin, magkakasama-sama naman ulit kami sa iba namang shows ng GMA." NEW TELESERYE. Ang isa pang nakaka-excite kay Jean ay ang bago niyang show sa primetime, ang drama series na One True Love na pagbibidahan nina Louise delos Reyes at Alden Richards. Kung salbahe si Jean sa Alice Bungisngis and Her Wonder Walis, mabait naman siya sa One True Love. Dagdag ni Jean, “’Tapos kasama ko si Agot Isidro, iyon, kami namang dalawa ngayon at saka si Raymond Bagatsing. “Kasi ang ginagawa sa akin ng [GMA-]7, ganun, e—kontrabida ‘tapos mabait." “So, wala akong buhay, pero okay lang, masaya ako, masaya!" ang tumatawang sinabi ni Jean. Siya ang babaeng walang pahinga. “Yeah, why not, di ba?" REALITY SHOW. Bukod sa kanyang drama series, meron pa siyang Personalan: Ang Unang Hakbang sa GMA News TV channel kung saan alternate sila ni Jolina Magdangal bilang hosts. Dito ay ipinapakita ang dalawang panig ng mga normal at regular na tao na may alitan o hindi pagkakaunawaan at naghaharap sa show nina Jean at Jolina. Peacemaker ba siya sa show or host lang? “A, hindi, tagahatid lang ng istorya nila. “At tsaka mediator. Kumbaga, 'pag nag-away na ng sobra o nagmurahan na sila nang bongga. “Pero ako actually, ang goal ko as host is i-present yung story nila, 'tapos bahala sila kung aayusin nila yun o hindi. “Kumbaga, hindi kami ang magdedesisyon nun, sila, e. “Kung magkakapatawaran sila, kung tatanggapin nila ang mga pagkakamali nila… kung may pagbabago silang gagawin sa buhay nila. "Ako is i-present lang yung story nila. “Kaya ako, hindi ako sumasalang nang hindi ko alam ang story nila. “Kailangan alam ko." -- Rommel Gonzales, PEP
Tags: jeangarcia
More Videos