Filtered By: Showbiz
Showbiz

Phillip Salvador gives advice to showbiz newbies


Kasamang nagkumbinsi ang talent manager na si Annabelle Rama sa batikang aktor na si Phillip Salvador na sumama sa cast ng GMA-7 primetime series na Makapiling Kang Muli, na tinatampukan ng anak ni Annabelle na si Richard Gutierrez. Pinatotohanan ito ni Phillip nang nakausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong May 29, sa presscon ng Makapiling Kang Muli sa Studio 7 ng GMA Network. Kuwento ng aktor, “When they told me that it was going to be with Richard… si Inday Annabelle agad ang tumawag sa akin, e. “Tinawagan niya ako, sabi niya ‘Dong,’ sabi ko, ‘O, Inday!’ “‘May serye ka with Richard, maganda yung role. Maganda yung role, tanggapin mo na Dong, ha,’ sabi niya sa akin. “’A, okay,' sabi ko, ‘Kausapin ninyo na si Malou.'" Si Malou Choa-Fagar ang talent manager ni Phillip. Ayon sa aktor, wala siyang exclusive contract ngayon sa GMA-7; sa Makapiling Kang Muli lang siya may kontrata. “Pagka sa mga ganun, bahala na si Malou pagka may ganun, si Malou din ang… what she decides, amen! “Alam ninyo naman si Malou, hindi naman pumapasok ng alanganin si Malou." DARK CHARACTER. Bilang isang mahusay na artista, paano niya inatake ang role niya sa Makapiling Kang Muli? “Well it’s dark, dark person si… dark character si Amadeo. “Tinuturuan niyang pumatay ang anak niya, tinuturuan niyang maging siya yung anak niya, e, weakling si Dominic [Roco]. “So si Richard ang nakikita kong may potensiyal, so iyon ang inano ko, minolde [molded] ko. “E, ano rin ‘yan, para makuha ko rin yung Rancho Paradiso, I’m after Rancho Paradiso," kuwento ni Phillip sa karakter niya. WORKING WITH OTHER STARS. Sa Makapiling Kang Muli, bida sina Richard, Carla Abellana, at Sarah Lahbati. Kasama rin sa cast sina Mark Anthony Fernandez, TJ Trinidad, John Lapus, Robert Arevalo, Rio Locsin, Mark Gil, Janine Gutierrez, Paolo Paraiso, Dominic Roco, Rocky Gutierrez, at si Ms. Gloria Romero. Sa estado ni Phillip ngayon, namimili pa ba siya ng mga artistang makakatrabaho niya? “Ang importante sa akin yung character, yung gagawin kong role, iyon ang importante sa akin. “Kung sinuman yung mga artista, amen, kung sino yung mga makakasama ko." LIKE BROTHERS. Kung halimbawang may offer na magkasama sila ni John Regala, papayag ba siya kahit nagkaroon ng isyu na may alitan sila noon? “Oo. Hindi ba magkasama naman kami sa Asiong Salonga? “A, wala iyon [isyu], hindi pinapatulan yung ganun. Walang isyu sa amin ni John. “John has been a younger brother to me, I love him, I respect him. “He’s a very good actor. And I’m happy that he’s back. I’m really happy that he’s back. “And producers should give him more projects because he is one of our greatest actors here," saad ni Kuya Ipe, popular na bansag sa aktor ng mga taga-showbiz. Dagdag niya, “Nagkausap kami at nagkalinawan kami kasi siguro meron lang nanggugulo para magkaroon ng hindi pagkakaintindihan. “Mali yung nakarating sa kanya. Sabi ko, ‘John, wala akong ginawa kundi purihin ka because I believe in you.’ “I believe in him. So, tapos na yun, nakalibing na yung tsismis na yun. “Uulitin ko, John Regala is one of our greatest actors in Philippine cinema!" Kumusta naman katrabaho si Richard Gutierrez? “Very good siya. Second naming [magkasama]. Movie yung una namin, For The First Time, 'tapos ngayon serye. “More in drama siya talaga dito, e. Hindi naman ito pa-tweetums na gaya nung mga dating ginagawa niya. “This is more challenging for him. “Nakikita ko yung trabaho niya, nakikita ko yung fire sa mata niya and sabi ko, there is more and it’s inside him. “Kailangan lang mailabas, it’s inside him. “Like his dad! Nobody believed that Eddie Gutierrez could be a very good actor pero lumabas iyon. “First movie namin ni Eddie, best supporting actor siya agad, iyon ang first award niya." Si Phillip ang unang nagbigay ng kontrabida role kay Eddie. “Ako kasi, I created his character dun sa istorya ng pelikula namin, yung Uubusin Ko Ang Lahi Mo. “I created his character kaya alam ko yung gagawin ko dun sa kanya." FOLLOWING HIS FOOTSTEPS. May nakikita ba siyang susunod sa yapak ng isang Phillip Salvador? “You know, kahit na sinong artista, ‘pag nilagay nila sa puso nila yung trabaho nila… “Yung mahalin nila yung craft nila, iyon ang maging passion nila, maraming magaling na lalabas. “Hindi puwede dito yung guwapo ka lang, maganda ka lang. Overnight stars lang kayo. Hindi kayo magtatagal. “’You will not last, definitely you will not last.’" Sino sa mga nakatrabaho na niya ang nakita niya na naroroon ang puso sa kanyang craft? Well, nung nakatrabaho ko si John Lloyd Cruz… “Nakita ko yung passion, nakita ko sa kanya yung… eto, sa genre niya, he’s the best," deklara ni Phillip. WORK WITH MOVIE GREATS. Nakatrabaho rin ni Phillip noon ang Superstar na si Nora Aunor sa pelikulang Bona. Ngayong aktibong muli sa showbiz si Ate Guy, nais ba niyang makatrabaho itong muli? “If given a chance, why not? I would like to work with Vilma Santos again also, of course, given a chance, why not, di ba? “Ang sarap makatrabaho ang mga institusyon sa industriya, so 'ayan, nakikita ko itong mga kabataan ngayon… si Carla [Abellana] magaling! “Si Sarah [Lahbati] gagaling 'yan, gagaling 'yan. “Kasi gusto nila, they love what they’re doing. Yung passion nila makikita mo. “So ‘pag nakita mo yun sa mga nag-aartista, blessing nila 'yan, hindi nila dapat pakawalan 'yan. DIRECTORIAL PLANS. Nagbibigay ba siya ng suggestions sa paraan ng pagdidirehe ni Ricky Davao sa Makapiling Kang Muli? “No. As a matter of fact, he told me right away, ‘Ipe, kung meron kang gustong sabihin, sabihin mo sa akin, ha?' “Sabi ko, ‘A, okay. Thank you!’ sabi ko sa kanya. “Siyempre siya muna, ako respeto ko sa direktor. Kahit sinong direktor, hangga’t hindi mo ako tinatanong, hindi ako kikibo." May plano raw talagang maging direktor si Phillip. “Meron akong inaayos for Richard—remake. Siya ako, ako ang tatay niya—ako si Eddie Gutierrez. Yung Uubusin Ko Ang Lahi Mo. “Pero yung present, hindi yung kopyang-kopya… hindi. “Parang sequel, pero ako na yung role ni Eddie, si Richard na ako. Pinapaayos ko na ang script. “First action-drama ni Richard—excited ako." Drama series or movie? “Basta aayusin yung script, ‘pag naayos na, bibigay dito [sa GMA-7]. “Kung gusto nila movie, movie. Kung gusto nila serye, serye. “Pero definitely it’s going to boost his career as an actor. That’s very important. “Sabi ko kay Richard, ‘Richard you know, it’s beautiful, it’s great to be a superstar. “'But if you get the respect of the people, you as an actor that they look up to, you, that you’re a good actor, a very good actor, that’s different. “'Hindi yung basta sikat lang. Mahalin mo yung craft mo,’ iyon ang parati kong sinasabi sa kanila. “Kasi binigyan ka ng blessing, tinitingnan ni Lord yung blessing na ibinigay sa iyo… “Kung ano ang ginawa mo, kung pinahalagahan mo. “The rest, puro graces na lang ni Lord 'yan, binibigay na lang nang binibigay." -- Rommel Gonzales, PEP