Filtered By: Showbiz
Showbiz

Iwa Moto confirms relationship with Pampi Lacson, estranged husband of Jodi Sta. Maria


Kung totoo ngang may bago nang girlfriend si Leandro Muñoz, si Iwa Moto naman ay tila may bago na ring karelasyon. Ito ay sa katauhan ni Pampi Lacson, ang anak ni Senator Panfilo Lacson. Sabi ni Iwa sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Actually, si Pampi kasi, two years ago, nagkakausap kami nang matagal. As in, palagi kaming nagkakausap dati." Paano sila naging parte ng buhay ng isa’t isa dalawang taon na ang nakararaan? Kuwento ni Iwa, “Basta nagkaroon ng trouble before na nagkagulo na konektado siya [Pampi]. “’Tapos ang ending namin, kami na ang naging close. “Dati, kung mag-usap kami no’n, inaabot kami ng three hours sa telepono. As in, parang phonepal ito. “Eventually, noong nasa States si Lee [Leandro], lumalabas kami ni Pampi as friends. “’Tapos, noong nag-break kami ni Lee, we broke up, we started dating. “Sabi ko, sige, wala rin namang masama if I started dating, di ba? “So, noong time na yun, lumalabas din kami ni Pampi. “Eventually, yung friendship namin, nauwi sa dating. “’Tapos noong bumalik nga si Lee, medyo naguluhan ako sa feelings ko. Siyempre, mahal ko si Lee. “Sa akin naman, lumalabas-labas lang. Tinray [sinubukan] namin pero hindi nag-work. “Hanggang sa umalis si Lee. Nandiyan si Pampi. “He never left. Nasa tabi ko lang siya palagi. “Hanggang sa yun…" So, masasabing pareho naman na pala sila ni Leandro na masaya ngayon sa kani-kanilang buhay? “I think he’s happy… hindi ko pa rin alam. “Pero last time na nakausap ko siya, sinabi niya sa akin na mag-move on na raw ako. Okay na raw. “Sige na raw, sagutin ko na raw si Pampi. Na kung si Pampi raw ang para sa akin, si Pampi raw." Diretsuhang tinanong ng PEP si Iwa kung mahal naman niyang talaga si Pampi. “Oo naman," mabilis niyang tugon. “Pampi is a very nice guy. Yung mga naririnig ng iba na tsismis about him and his family, sobrang hindi totoo. “Ako na mismo ang magsasabi na… doon lang ako makakakita ng taong sobrang down to earth. Sobrang haba ng pasensiya. “Lahat sila mababait." CLOSE TO PAMPI’S SON WITH JODI. Si Pampi ang nakahiwalayang asawa ng aktres na si Jodi Sta. Maria. May isang anak sina Pampi at Jodi—si Thirdy. Kung pagbabasehan ang Twitter posts at mga pictures na naipo-post ni Iwa sa kanyang Instagram, tila close na siya sa anak nina Pampi at Jodi. “A, si Muymuy," nakangiting sabi ni Iwa tungkol sa bata. “Mahilig kasi ako sa bata. Given na bata pa lang ako, nag-aalaga na ako ng bata. “Hanggang sa tumanda ako, nag-aalaga pa rin ako ng bata. “Dahil mahilig ako sa bata, hindi rin naman maiiwasan na mapalapit sa akin ang bata. “So far, okay naman kami ng bata." THREE DADS AND IWA. Bago ang pagkakaugnay ni Iwa kay Pampi, nagkaroon din ng relasyon si Iwa kina Mickey Ablan at Leandro Muñoz. Kapansin-pansin na ang tatlong ito ay pare-pareho nang may anak nang makarekasyon nila si Iwa. Naiisip ba ni Iwa yung pattern na yun o talagang attracted lang siya sa lalaking may anak? “Oo nga," nakangiti niyang sabi. “Alam naman ng lahat na mahilig ako sa bata at bata pa lang ako, nag-aalaga na ako ng bata." Hindi kaya naghahanap siya ng instant family na? “Actually, aminado naman ako—family. “Right now, I’m planning to adopt. Yung magkaroon ako ng sariling anak. “Yun naman talaga ang gusto ko. May inaalagaan ako. “Gusto ko may family ako na pag-uwi ko ng bahay, nandiyan para sa akin. “Yung alam ko na, at the end of the day, hindi ako iiwan." JODI STA. MARIA. Hiwalay na sina Pampi at Jodi pero hindi pa legally annulled ang kanilang kasal. “Annulment is on the process pa lang…" banggit ni Iwa. Kumusta naman ang pakikitungo ni Iwa kay Jodi? Nagkakausap ba sila? Sagot niya, “Jodi? Hindi ko naman siguro siya kailangang kausapin, di ba? “May kanya-kanya naman kaming buhay. May kanya-kanya na rin silang buhay. “Nagkita kami once noong sinundo niya si Thirdy. Kasi, hati sila sa custody ng bata. “Noong sinundo niya si Thirdy, wala, nagtinginan lang kami. No hi, no hello." Matatandaan na bago pa man naiugnay ang pangalan ni Iwa kay Pampi ay nagkaroon na ng isyu sa pagitan nina Iwa at Jodi. May reports kasi noong si Jodi raw ang dahilan ng breakup nina Iwa at Mickey Ablan. Nagkaroon ba sila ng away noon ni Jodi? “Oo… nanggigigil ako, di ba?" nakangiting pagkumpirma ni Iwa. “Basta, kung anuman ang nangyari dati, ipagdasal na lang natin sila. “Basta ako, wala naman akong ginagawang masama ngayon, di ba? “Ako, inaalagaan ko ang mga taong nagmamahal sa akin ngayon. “At sa ngayon, ang nagmamahal sa akin, si Pampi at yung anak niya. “Ngayon, kung may problema si Jodi do’n, wala akong magagawa. “Territorial ang mommy. Lahat ng magulang, magiging territorial sa anak nila, lalo na sa pamilya nila. “Kaya lang, I’m just going to tell this—na hindi ako nandito para makaagaw. Nandito ako para magbigay ng extra love. “Hindi ko aagawin ang puwesto niya. “If she’s scared or what, ibahin niya ko. “Ibahin niya ako sa mga babaeng nasa paligid niya, kasi ako yung tipo ng tao na kahit na hindi ako mahalin ng bata, mamahalin ko pa rin siya nang buung-buo kasi ganoon ako. “Yun ang normal ko—ang gusto ko lang naman mag-alaga." -- Rose Garcia, PEP
Tags: iwamoto