Matutupad na ang plano ni John Lapus na magkaroon ng dalawang title-role movie sa taong ito. Sa recent meetings nito with Viva Films, pinag-usapan ang kanyang magiging follow-up movie pagkatapos ng box-office success ng
Moron 5 and the Crying Lady, kung saan ginampanan niya ang role bilang Crying lady. “Magmi-meeting pa kami next week for my second movie sa Viva Films," ang masayang ibinalita ni John sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa press launch ng bago niyang serye sa GMA-7, ang
Makapiling Kang Muli, na pinagbibidahan nina Richard Gutierrez, Carla Abellana, Sarah Lahbati, Mark Anthony Fernandez, Phillip Salvador, Mark Gil, at Ms. Gloria Romero. Sa pagpapatuloy ni John, “Ito yung second movie sa dalawang movie contract na pinirmahan ko sa Viva. “Meron na akong ideya more or less ng story line pero sa meeting pa lang namin mapa-finalize. "Nandun na yung magiging director, yung writer, at saka nandoon na si Boss Vic." Hindi pa raw sure si John kung si Wenn Deramas, na direktor din ng
Moron 5, ang siya ring magdi-direk ng second movie ni Sweet (palayaw ng komedyante). “Ipi-present pa lang sa akin next week yung story line. Come to think of it, hindi ko pa pala talaga alam kung sino ang director."
PROJECT WITH REGAL? Samantala, malaking palaisipan naman para sa kanya kung bakit makaka-dalawang movie project na siya sa Viva Films pero tila wala pang plano ang Regal Films sa kanya. Matatandaang nagpahayag pa noon si Mother Lily Monteverde na bibigyan ng title-role movie ang komedyante, pero hindi pa ito naisasakatuparan. “Ano bang nangyari?" ang naguguluhang tanong ni John sa sarili. “Sinabi ni Mother verbally, nag-antay naman ako, di ba? "Wala namang dumating, so, ano ba? "One day isang araw, tinawagan ako ng Viva to sign a non-exclusive contract, two picture lang naman. “So, masisisi mo ba ako na maganda ang offer? "And in all fairness na alam ni Mother Lily 'yan na ako at ang Star Magic [talent agency na humahawak sa career ni John] bago kami nag-sign... siya ang una naming kinausap na, 'Pasensya na mother, 'eto magbibigay...'" Pero wala naman daw siyang panghihinayang sa ginawa niyang hakbang para sa kanyang career. Aniya, “Wala naman, kasi naging successful naman yung una, yun nga yung Moron 5, so, wala naman. "As a matter of fact, naging maganda naman kasi naisip na marahil ni Mother Lily na puwede na niya akong bigyan eventually. "In all fairness naman, I always say it’s still Mother Lily who gave me the first through
Super Inday and the Golden Bibe, di ba? Lead din naman ako doon as the Golden Bibe. “Pero yung solo na lead na, in fairness naman kay Mother Lily, siya naman talaga yung unang nag-announce na balita na she will give in the future. Hindi nga lang natupad. "At this point, mauuna nga yung Viva. "Kasi yun nga ang promise nila sa akin na after na maging successful yung
Crying Lady, na yung pangalawa ko this time ako naman yung lead."
PLAYING SUPPORT IN REGAL. Hindi pa masagot ni John kung pipirma siya uli ng panibagong kontrata sa Viva kung sakaling alukin siya ng panibagong contract. “Tignan natin kasi nangako ako kay Mother Lily. Mukhang babalikan ko si Mother. Nag-uusap naman kami. Ang ina-ano niya sa akin, dapat gagawa pa rin daw ako sa kanya. "Naka-stipulate naman sa contract ko yun na basta hindi lead kasi yung two picture ko sa Viva, parehong lead, e. "Puwede pa naman akong gumawa ng support role sa mga pelikula ni Mother Lily na ginawa ko naman via
The Mommy Returns." Wala bang kaso sa kanya ng support roles ang ginagawa niya sa Regal pero lead roles naman sa Viva? “Okay lang naman. Sino ba yung kausap ko? "Kami ni Uge [Eugene Domingo] kasi, once na linimit namin ang sarili namin na once na kumita ang movie namin or nag-box office hit, kailangan dapat bida kami uli, baka damputin kami sa pansitan. "At the end of the day, mga artista kami ni Uge, hindi naman... "Again, pinag-uusapan nga namin, kinu-consider namin ang sarili namin na actors rather than big stars. Parang trabaho.... "Na-imagine mo na... sino ba naman ang magbibigay kay John Lapus na every year ako ang bida? "Di ba parang... iba pa rin yung tumatanggap ng trabaho kahit hindi ikaw ang bida."
GAY POWER. Consistent si John sa pagsasabing si Vice Ganda ang nagbukas ng pintuan para sa mga gay characters na nagbida sa pelikula. Paliwanag niya, “Naging malaking factor na si Vice ang openly gay na nagbida sa isang pelikula via Petrang Kabayo na kumita at nag-follow up ng Private Benjamin, na considered na highest grossing Pinoy films. "Nagkaroon ng ideya ngayon ang ibang production company for that matter na, 'Ay, puwede na pala ang bakla ngayon?' Ayan si John Lapus, nagkaroon rin ng kontrata. "Kaya nga kapag pinagku-compete kami ni Vice, natatawa na lang ako dahil on the contrary, ipinagdadasal ko nga na mas tumagumpay pa, mas maraming offers, mas maraming pelikula si Vice, maraming endorsements . "Kasi inevitably, pag marami siyang pelikula at offers, sa akin mapupunta pag sobrang busy na niya, wala naman silang choice kundi sa akin i-offer. Wala namang problema." Gustuhin man ni John na magkaroon sila ni Vice ng project, wala pa raw offer. Ang sabi ng
Showbiz Central host, “Wala pa. Wala namang nababanggit sa akin in the future. I would love to do that." Kung sakali man, sino sa palagay niya ang dapat mauna sa kanila ni Vice sa billing? Matamang nag-isip muna si John bago nagsalita. “Oh, my god!" bulalas muna niya. “Nag-iisip ako ngayon ng mga pelikulang nauna na... Ah, seniority 'ata ang mauuna. "Mukhang ako pero naka-'and' siya." Ang tinutukoy ni John ay ang madalas na practice sa showbiz na kung hindi man sa star value, dinadaan sa seniority or alphabetical order ang pangalan ng main cast. Either way, "Ako pa rin ang mauuna," ang sambit ni John, “pero definitely, naka-'and' si Vice Ganda." At saka niya dinugtong, "Kahit sino..." Nagkasama na rin naman sila ni Vice sa isang project. “Nag-guest ako sa kanya sa Petrang Kabayo, di ba? Walang problema."
BACK TO PRIMETIME. Samantala, itinuturing ni John na comeback series niya ang
Makapiling Kang Muli. Matagal din siyang 'di nabigyan ng proyekto. “Ang tagal ko ngang nabakante, e. Two years ago na pala yung
Pilyang Kerubin," ang sabi ni Sweet. Pero meron din naman siyang
Showbiz Central at ang mga nakaraan niyang show na
Show me da Manny. “Pero ang tagal rin naman nung sitcom namin, yun nga, sana lang... "Wala naman akong balak lumipat for as long as bigyan lang nila ako ng trabaho. Kasi naba-bother sila kapag naggi-guest ako sa ibang network. "Sinasabi ko naman sa kanila na kaya ako naggi-guest sa ibang network, trabaho lang. Nagbabayad ako ng bahay, sayang naman yung offer. “Sinabi ko naman sa kanila nung tatlo ang show na meron akong
Show Me da Manny, Showbiz Central, at sunud-sunod akong merong soap opera, hindi naman ako nakita sa ibang station. "So, sinasabi naman namin sa GMA through my manager Ricky Gallardo na bigyan naman kami ng trabaho [dahil] hindi naman kami nakikita sa ibang network," ang mahabang eksplika niya. Itinanggi ni John ang bali-balitang inaalok siya uli ng kontrata ng ABS-CBN. “Wala pa naman. But, with my relationship status naman sa ABS, feeling ko naman I could come back any time. "Mga kaibigan ko naman ang nandun at hindi naman tayo nagsunog ng tulay. "But you know, nandun naman na si Vice... 'tsaka na siguro, oo... "Hindi ko pa iniisip at hindi ko kinu-kunsider. So far sabi mo nga, mahal pa ako ng GMA. Yun lang naman yun. At least maganda yun at klaro naman sa kanila yun. Klaro ko rin sarili ko... Noon kasi, napa-praning ako. “By now, I’m pretty sure na hindi na ako mawawalan ng trabaho. I’m pretty sure na kapag nakita ng ibang network na tengga ako, kukunin nila ako. "Sabi ko, 'Trabaho lang.' Oo naman, tatanggapin ko. "Yun lang naman ang sinasabi ko sa kanila na, 'For as long as meron akong trabaho, hindi ko kayo iiwan.' "Ngayon, hindi naman exclusive ang contract ko sa GMA pero hindi naman ako umaalis," ang pagtatapos ng host-comedian. --
Rey Pumaloy, PEP