Nabalita ang breakup ni Ara sa kanyang non-showbiz boyfriend na si Raymond Ilusorio-Yap, isang Filipino-Chinese businessman. Pero hindi ito masyadong napag-usapan sa media dahil mas pinili ng aktres na manahimik; bagay na ipinagtaka ng maraming nakakakilala sa kanya. Pero hindi ito masyadong napag-usapan sa media dahil mas pinili ng aktres na manahimik; bagay na ipinagtaka ng maraming nakakakilala sa kanya. “Hindi naman siya kasi showbiz," rason ni Ara sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal). “Nanahimik ba ako?" natatawang reaksiyon pa niya.
SILENCE. Nag-mellow na ba ang isang Ara Mina pagdating sa pagbabahagi sa publiko ng mga kaganapan sa kanyang lovelife? “Yeah, nag-mellow na nga ako," sagot niya. “I guess siguro, hindi rin naman ka-proud-proud na i-announce mo na, 'Hey, wala na kami.' “Kumbaga, parang hindi mo lang akalain na mauuwi rin sa gano'n. “But I’m the one… ako rin ang nag-decide," pagtatapat niya. Pero tumanggi nang magsalita si Ara nang tanungin ng PEP kung ano ang dahilan ng kanilang breakup. “Sa amin na lang yun kung ano ang reason, kasi hindi naman siya showbiz para ilabas kung ano ang dahilan," sabi niya. Namangka sa magkabilang mundo si Ara noong sila pa ng kanyang non-showbiz boyfriend.
INFIDELITY? Sa gitna ng kanyang pagtatrabaho bilang aktres, sumasama siya sa kasintahan sa business meetings nito—hindi lang dito sa Pinas kundi sa abroad. Hindi ba niya nakayanang makibagay sa mga tao sa mundo ng kasintahan? “No, it’s not that," mariing tanggi niya. Hindi kaya “infidelity" ang rason? Napaisip si Ara at hindi agad nakasagot. Umiwas din si Ara sa tanong kung may nahuli ba siyang ibang babae sa boyfriend niya. “Basta, pero trinay naming i-work out, pero wala na talaga, e. “Hindi ko na… ano, e… and trinay din niyang suyuin ako," sabi niya. Ipinagpasalamat din ni Ara na hindi pa nauuwi sa kasalan ang relasyon nila ng boyfriend. “Buti na lang, kasi ang dream ko kasi, magkaroon ng buong pamilya. Ayokong magkaroon ng broken family. “So, buti na lang at maaga pa lang, na-discover namin sa isa’t isa na hindi kami para isa’t isa."
NO MORE TEARS. Hindi itinanggi ng aktres na dumaan din sila sa ilang problema sa kanilang relasyon bago ito naging maayos. Sabi ni Ara, “Noong una, marami kaming differences, pero na-settle naman. “Then, something happened na parang ano… hindi ko ma-take. “Ayoko na kasi ng madramang buhay na magpapa-interview ako na iiyak-iyak ako. “Tapos na yung mga Jomari [Yllana], Polo [Ravales] days ko na yung mga ganun-ganun. “Tapos na ako sa gano'ng stage ng lovelife ko."
SETTLE DOWN. Positibo naman si Ara sa magiging kinabukasan niya. Gusto raw talaga niyang makasal at magkaroon ng pamilya. Aniya, “Ayokong tumandang dalaga. Kumbaga, hayaan na lang natin. “Darating din 'yan, huwag nating pilitin. “Siguro masyado akong nag-i-expect na ‘eto na ito, ‘eto na itong lalakeng makaka-settle down ko. “Tapos, yun pala, hindi pa pala! “Buti na lang at hindi siya nag-propose!" dugtong niya habang natatawa. September noong nakaraang taon nang makipagkalas si Ara sa boyfriend niya at mag-aanim na buwan na siyang single. “Wow, ang tahi-tahimik ng buhay ko, ha! “Parang masaya at walang masyadong pressure."
MONEY ISSUES. May balitang kumalat na pera raw ang dahilan ng isyu sa kanila ng ex-boyfriend niya. Totoo ba ito? “Money? No… no! Of course not! Money? Hello! "May bahay ako, 'no! Saka maykaya yung pamilya niya. "Kung ang isyu pera namin sa isa’t isa, walang gano'n. “It has nothing to do with that kung bakit kami naghiwalay. “Wala kaming problema sa gano'n. "It’s not a financial thing. Personal ang dahilan," diin niya. Dagdag pa ni Ara, “In fairness naman, he tried his best to win me back. “Talaga lang ano, e... effort siya talaga—love letters, flowers every day. “Ang problema kasi, wala nang trust sa relationship, hindi na magwo-work out… Yun! “Pero he’s a good man, he took care of me naman," puri niya sa dating kasintahan. --
Rey Pumaloy, PEP