Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nitong Lunes, March 26, at ng iba pang press si Mel Tiangco sa gusali ng GMA Network sa Quezon City. Ang pocket presscon ay ginanap para anibersaryo ng programa ng multi-awarded broadcaster sa GMA News TV, ang
Powerhouse. Bukod sa
Powerhouse ay napag-usapan din ang pagpirma ni Mel ng renewal contract sa GMA-7. Noong March 20 ay pumirma si Mel para i-renew ang kanyang long-term contract sa Kapuso station. Si Mel ang isa sa mga news anchors ng
24 Oras, ang primetime news program ng GMA-7. Nagsimula siyang magtrabaho sa GMA-7 noong 1995 matapos umalis sa ABS-CBN. Maganda ang mood ni Mel, kaya't wala siyang paglilihim nang sabihing hindi niya inasahang ire-renew ng GMA-7 ang kontrata niya. “Tuwa ko, talaga. Akala ko talaga I was retired. "As a matter of fact, I prepared myself, para hindi ako ma-depress. "I prepared myself, para 'pag sinabi, 'O, you are retired.' Thank you! I go out happy," saad niya. Tanong ng PEP, inisip ba talaga niyang pakakawalan na siya ng Kapuso station? “To retire me, not let me go," sagot niya. “You know, you reach your maximum shelf life. "Realistic ang tita mo. Realistic. "Para hindi ka mabuang-buang after that. "Sabi nga nila, nobody's indispensable in this business."
RETIREMENT LIST. Dahil sa mindset na ito ay hinanda na ni Mel ang kanyang retirement. Isa sa mga paraan niya ay ang paglilista ng mga nais niyang gawin. “I have a list in the house of what to do when I retire. So that I won't get lost. "You know, when I get retired, I won't get lost because I know what to do," sabi niya. Anu-ano ang mga ito? “Simple things, like enroll in Pilates. Take up French! "Things I've always wanted to do but never have the time to do it... "General cleaning of my house, of my files, of my closet. “I retire that way, and I listed that. "And I'm a very frugal person, so I took care of the financial aspect of it, na para 'pag nag-retire ako, hindi naman ako kawawa naman diyan. "I can maintain the same lifestyle even after retirement." Hinanda niya raw ang listahan para hindi siya tuluyang ma-depress. "I can just imagine the first day after I get retired. "Paggising mo sa umaga, parang, 'Wow, I'm not supposed to go to office anymore.' Nai-imagine ko yun. "Siguro how depressing talaga, ano? "Aside from the fact siguro na, parang ano ka na, wala ka nang saysay sa mundo." Ngunit dahil sa na-renew ang kontrata niya sa GMA-7 ay hindi na niya kailangang harapin ito sa ngayon. Biro niya, “But it's a happy problem. The renewal is a happy problem, it's not really a problem. "Akala ko 'eto na, e, puwede na, gawin ko yung gusto ko. Hindi pa pala."
POWERHOUSE. Bukod sa
24 Oras ay host din si Mel ng
Powerhouse sa GMA News TV. Ang Powerhouse ay nagpapakita ng mga bahay ng mga malalaking personalidad sa pulitika at sambayanan. Pahayag ni Mel, gustung-gusto raw niya ang
Powehouse dahil sa nakakapanayam niya ang mga taong nais niyang makilala. Ilan daw sa mga wishlist niya na natupad na ay sina Guia Gomez, Manny Villar, at Ilocos Governor Chavit Singson. Mas at ease daw siyang kausapin ang mga personalidad na ito sa format ng
Powerhouse. Dahil nga naman sa bahay na ng subject ang panayam ay mas welcoming ito. “Alam mo, iba ang ambiance pag-upo ko sa
Powerhouse, e. "Iba yung leveling namin nung subject ko, e. More intimate, more casual, more homey, more friendly, more let's-just-get-to-know-each-other kind of thing. "There is no politics involved there, e. Walang ganun. "Kaya ano nga, e. Sarap nga, e, kasi walang pretensions, walang walls," sabi niya. Sa bagong taon ng Powerhouse, hiling ni Mel na makapag-ibang bansa ang kanyang programa para makapanayam ng foreign personalities, 'tulad na lang ni US First Lady Michelle Obama. “Kung kaya ng budget," sabi ni Mel. --
Mark Angelo Ching, PEP