Filtered By: Showbiz
Showbiz

Former Ilocos Sur Rep Ronald Singson plans to produce movies


Mula sa pagpo-produce ng concerts at pagdadala sa Pilipinas ng sikat na foreign artists, desidido na si dating Congressman Ronald Singson na palawakin pa ang kontribusyon niya sa entertainment industry ng bansa sa pamamagitan ng pagpo-produce ng mga pelikula. "We're trying to produce a movie, hopefully. "Like I said, before nagpo-produce kami ng concerts, we were helping in bringing international talents. "This time, we want to produce something local para matulungan naman natin yung lokal na industriya natin, yung showbiz industry dito sa Pilipinas." Ito ang inihayag ni Ronald sa panayam sa kanya ng Showbiz Exclusives na napanood sa GMA News TV Channel 11 nitong Marets umaga, Marso 20. Matatandaang bago nakulong si Ronald sa Hong Kong ay itinatag nila ng kaibigang si Jomari Yllana ang Fearless Production, na nagpoprodyus ng malalaking concerts ng international artists. Naitanong din sa dating kongresista kung tungkol saan naman ang unang pelikulang ipo-produce niya at kung isasali niya ba ito sa Metro Manila Film Festival sa Disyembre? "Hindi pa namin alam dahil, like I said nga, pinag-uusapan pa lang yung concept, pinag-uusapan pa lang yung story. "Siyempre, of course, hindi naman iyan ganun kadali. Siyempre baguhan lang tayo dito sa ganitong klaseng... dito sa industriyang ito. "So, I'm trying to be careful, I'm trying to take it slow para hindi tayo magkamali. "Kasi ang dami diyan na nagpo-produce ng movie, napakataas ng budget 'tapos mahihirapan para bumawi. "So, we're trying to be really careful about it," saad ni Ronald. LOVI POE. Ngayong wala pang definite cast ang ipo-produce niyang pelikula, sumagi ba sa isip niya na kuning bida si Lovi Poe? Tutal ay may pinagsamahan naman sila ng aktres na matagal nang nauugnay sa kanya. "No, no, no. I don't think so," sagot ni Ronald. Pero kumusta na ba sila ni Lovi ngayon? "We still see each other kasi same group of friends lang kami, same circle. So, we still see each other," sabi ng dating kongresista. -- Glen P. Sibonga, PEP