Filtered by: Showbiz
Showbiz

MTRCB releases new Strong Parental Guidance rating for TV


Marami ang nagsasabi na ang MTRCB (Movie and Television Review and Classification Board) Chairman na si Grace Poe-Llamanzares ay isa sa mga pinakaepektibo na humawak sa nasabing ahensiya ng gobyerno.   Kamakailan nga ay nagpalabas muli ng bagong regulasyon sa telebisyon ang MTRCB, ang SPG or Strong Parental Guidance upang higit na mabantayan daw ang mga palabas na napapanood natin, lalo na ng mga kabataan na madalas daw ay sensitibo at nangangailangan ng higit na gabay ng mga magulang.   Sa presscon ng MTRCB noong February 9 sa kanilang opisina sa Quezon City, tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ms. Grace kung bakit sila nagdesisyon na isakatuparan ang SPG.   "Kasi napapansin natin sa telebisyon ngayon, halos lahat na lang PG, pero ang intensity iba.   "May mga ibang shows na Parental Guidance pero very mild, so yung sinasabi nating intermediate PG, yung medyo violent ng kaunti, yun ang SPG.   "Pero hindi porke't na-SPG, hindi na magandang palabas.   "Marami diyan intense, kaya nagiging SPG, pero mayroong literary values or redemption values.   "Kailangang maging strict ang mom and dad na kasama sila kapag manonood ang mga anak para mabigyan nila ito ng guidance."   Present sa presscon ang lahat ng mga representatives mula sa iba't ibang istasyon.   Para sa MTRCB Chairman, ito ay hamon sa mga network na ipakita na may malasakit sila sa kapakanan ng publiko.   "Patunayan nila na mayroon silang malasakit  sa mga manonoood, patunayan nila na naniniwala sila sa self-regulation.   "Ang daan para magkaroon ng self-regulation ay ang tama at appropriate na classification.    "Nakausap na natin yung network ng ilang beses, at tanggap naman nila na talagang napapanahon na magkaroon ng stronger parental guidance classification," sabi ni Ms. Grace.   INFOMERCIAL ON SPG. "Mayroon din tayong infomercial tungkol sa SPG rating.   "Di ka puwedeng magbigay ng bagong regulasyon na walang information campaign.   "Alam naman natin kung magkano ang 30-second ad sa bawat network.   "So yung kanilang [mga networks] pagpunta dito para magbigay ng commitment, malaking bagay yan.    "Kumbaga ‘di na galing sa bulsa ng taong bayan ang bayad sa information campaign.    "Nagpapasalamat kami dahil sila [networks] mismo ang nag-donate ng kanilang airtime."   May fine ba o parusa na ipapataw sa mga istasyon na hindi makikipag-cooperate?   "Alam mo sa ngayon wala pa.  Kasi we're trying to awaken the spirit of volunteerism and commitment to the country.   "So kung ayaw nilang i-air [yung infomercial] nasa kanila yun.    "Although puwede kaming magkaroon ng regulation that they show the infomercial pero ayaw natin yun.    "Gusto nating makita sino ba sa kanila ang talagang may commitment."   "Sa amin lang, sana they can show it often.   "Lalo na in the first few weeks. After that, pag familiar na ang tao, siguro kahit 15-seconder na lang."   LEGASPI FAMILY. Napili ng MTRCB ang pamilya nina Carmina Villarroel at Zoren Legaspi, kasama ang dalawa nilang anak, na maging endorser sa infomercial tungkol sa bagong SPG rating.   Bakit nila napili ang Legaspi family bilang endorser?   "E, kasi nakakatuwa sila pag nakita mo silang pamilya.   "Unang-una they are so pleasant to look at.    "Pangalawa, makikita mo sila Carmina at Zoren, kaliwa't kanan ang trabaho at projects, pero kahit papaano if you look at their children, they are so wonderful.   "It only shows na in a dual income household, you can still monitor the upbringing of your children," sabi ni Ms. Grace. - Melba R. Llanera, PEP

Tags: mtrcb