Halatang kagigising lang ni Sid Lucero nang makaharap at makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press sa taping ng
Amaya noong Biyernes, January 6, sa Marilao, Bulacan. Sa epicseryeng ito ng GMA-7, ginagampanan ni Sid ang papel ni Bagani. Siya ang love interest ni Marian Rivera bilang si Amaya. Ngayong tatlong gabi na lang sa ere ang
Amaya, ano nga ba ang nararamdaman ni Sid? "Of course, I feel sad," sambit ng aktor. "Halos isang taon na kaming magkakasama. Almost every day, ito ang ginagawa namin. "Tapos, kahit nga one hour or two hours away lang ang location, pero feeling ko, galing ako sa ibang bansa. "Lalo na kapag ang location sa Pagsanjan, Laguna. Kasi, mukha talaga siyang town. "Tapos ang mga talents, hindi nagpapalit, buong araw naka-costume. "Tapos yung iba, naka-standby sa set." Mami-miss daw niya ang lahat sa Amaya. "I will miss the entire thing. "Ngayon pa nga lang, nami-miss ko na palagi ang dalawang kasama kong character. Hindi ko na sila nakakasama," sabi niya.
MARIAN AND GLAIZA. Napangiti naman si Sid nang tanungin namin kung si Amaya, o si Marian, ay kasama rin sa mami-miss niya. Sabi niya, "Oo naman! Almost everyone." Pero biniro namin siya kung si Marian nga ba ang mami-miss niya, o si Glaiza de Castro na nali-link sa kanya. Natawa lang ang aktor. Imposible ba na may katotohanan ang pagkaka-link sa kanila ni Glaiza? Sagot ni Sid, "Wala namang imposible, nakakatawa lang. "Kasi, automatic na kasi. "Totoo naman, di ba? When you're friends with someone who's not male, automatic link." Kumusta ba ang naging working relationship nila ni Marian, na siyang kapareha niya sa epicserye? "Actually, in the beginning, medyo ano ako, e, medyo naiilang ako," pag-amin ni Sid. "The respect that she's given as an actress is tremendous. "Nanggaling kasi ako sa ABS at pagbalik ko dito, feeling ko, bago ako ulit. "And siyempre, naka-add especially yung fact na this is her place. "I'm basically under her roof." Ipinaramdam ba sa kanya ni Marian ang ganoong klaseng feeling? "No!" mabilis na tanggi ni Sid. "Hindi nga, e. This is just me. "Pero the thing is, in the beginning lang. "In fact, it was her who made it actually easier for me. "Kasi, after weeks, I said, hindi ko alam kung paano ko 'to magagawa. "Tapos sabi nila, 'Kausapin mo lang 'yan.' "And then, I started talking to her, joking... "Then, after a while, madali na yung trabaho."
LEGACY. Pagkatapos ng
Amaya ay may kasunod na agad na primetime series si Sid sa GMA-7, ang
Legacy. Pero dahil ngayong araw pa lang na ito, January 10, Martes, ang huling taping ng Amaya, ang focus daw niya ay wala pa sa bagong serye na kabibilangan niya. Ayon kay Sid, "Ibinigay na sa akin ang synopsis [ng Legacy], binasa ko lang. "Pero hindi ko pa pinapansin kasi hindi pa ako tapos dito [Amaya]. "I don't know yet when I will start with Legacy. "My manager, Ricky Gallardo, hasn't updating me since I'm not done with Amaya." Pero may plano ba siyang gawin para kapag ginawa niya ang Legacy ay wala nang bahid ni Bagani ang makikita sa kanya ng mga manonood? Ani Sid, "Hindi naman mahirap gawin yun, kasi masyadong character si Bagani. "Although it's standard lead male hero, but it's a lot different because the costume speaks naman. "Pero, hindi ko pa kasi masyadong iniisip ang Legacy. "I want a one-at-a-time muna. "I don't want to confuse myself. Hindi ko pa nga binabasa ang script, e."
ALL IN THE FAMILY. Sa
Legacy ay makakasama ni Sid ang tiyahin niyang si Cherie Gil at ang pinsan niyang si Geoff Eigenmann. Sa Amaya naman, ang tiyahin niyang si Gina Alajar naman ang nakasama niya. Inamin ni Sid na minsan ay nahihirapan siya kapag ang mga tiyahin niya, na kapwa magagaling na aktres, ang kaeksena niya. Katuwiran niya, "I'm having a hard time doing my job because they are already here in the industry for so long. "And then, ako yung pinakabago sa kanila. "So, siyempre, seniority, and I respect them as such. "So, everytime I'll do a scene with them...I don't know, it's hard. "Hindi ko ma-explain. "Family ko kasi. "So, siyempre, iba yung you work with friends and with your family." Samantala, masaya naman si Sid nang malaman na nakasungkit na rin ng acting trophy ang half-brother niyang si Gabby Eigenmann. Nagwaging Best Supporting Actor si Gabby sa Golden Screen TV Awards para sa pagganap niya bilang Desmond sa
Munting Heredera. Kuwento ni Sid, "Actually, I'm the last to find out. "I don't know, nagkataon lang siguro. "Tapos, nagkita kami sa birthday ni Direk Mac Alejandre, tapos naalala ko. "I think, that day ko lang yata nalaman kaya doon ko lang siya na-greet. "Ang saya! I'm proud!" Alam ba niya na tila may pressure pala kay Gabby na manalo ng acting award dahil halos lahat sa kanilang pamilya ay award-winning nang matatawag? Saad niya, "For me kasi, an award... Well, nag-tsamba lang kasi yun kasama ng movie and the role. "I think, if we all took the same path, same thing would happen to them. "I think so, I believe so. "So, it just so happened na nanggaling ako do'n sa smaller scale, na mas madaling mag-grab ng attention. "Siguro kasi konti lang ang pagkukumparahan and that's indie, and that's the main difference." --
Rose Garcia, PEP