PEP: It's a baby boy for ex-actress Juliana Palermo
Isang healthy baby boy named Ace Christian ang iniluwal sa mundo ng dating sexy actress na si Juliana Palermo noong nakaraang March 21, 2011 sa The Medical City in Pasig City. Sa naging panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Juliana last April 20 sa Café Juanita sa Bonifacio Global City in Taguig City, naikuwento nito na hindi pa raw siya dapat manganagak that time dahil third week of April pa raw siya due. Pero iba na raw ang pakiramdam niya kaya nagpatakbo na siya sa ospital. "I was having painful labor pains na. Hindi pa nga due ang baby ko kasi may ilang weeks pa. Because I couldn't bear the pain anymore, nagpa-confine na ako sa hospital. "I was in labor for 24 hours. Hindi biro ang sakit kaya naiintindihan ko na kung ano ang mga pinagdaanan ng mga mothers ngayon. Getting pregnant is okay but the pain is grabe. Hindi mo siya makakalimutan," sabay tawa niya. Juliana had a Caesarian section or C-section dahil hindi raw niya kaya ilabas ang kanyang baby through normal birth. "Grabe hindi ko kaya iyon. I was having a hard time during labor. Plus hindi ako nakapag-attend ng mga Lamaze class because even when I was pregnant, I was still working. So I told my doctor that I wanted a C-section. They told me naman that it's going to be safe. "So I was numb from my chest down and I was awake naman when they did the C-section. Sinasabi naman nila sa akin kung ano na ang nangyayari. Ayoko rin naman na tulog ako, 'di ba? I still wanted to see my baby kaagad." Iba raw ang naging feeling ni Juliana noong makita niya ang kanyang baby. Naiyak raw siya noong marinig niya ang unang iyak ng kanyang baby. "I wanted to hear his cry first. Kasi nga I was scared na kulang siya sa weeks, baka magkaroon ng problema sa kanya physically. But when I heard him cry, naiyak na rin ako. Parang I couldn't believe that that little baby came out of my body. It's truly a miracle. "Noong tinabi na siya sa akin while I was still on the operating table, he stopped crying and he kinda snuggled next to my face. Parang instinct na alam niyang ako ang mommy niya. I was really amazed and overwhelmed by this whole mommy experience!" ngiti pa ni Juliana. Pagkatapos maka-recover ni Juliana sa kanyang panganganak ay kaagad niyang ginawa ang kanyang duties bilang isang ina, lalo na ang pagpapa-breastfeed. "My breasts are huge!" sabay tawa niya. "I don't know what size they are now but I'm a Cup F na. I was looking nga to buy that size of bra pero wala rito. I have to order them pa in Hong Kong. "Anyway, breastfeeding my baby is the most exciting thing and the most painful din. Masakit ang magpa-breastfeed talaga. But it's the pain that makes you closer to your baby. Kaya tinitiis ko na lang yung sakit because my baby needs his nutrition. And it's bonding time for us din. "Tsaka somebody told me that breastfeeding helps me get rid of the baby weight I've gained. I gained almost 40 pounds when I was pregnant. I was only 120 pounds noon. When I got pregnant, I ate almost everything kasi in sight! "Ang sa akin lang, since I'm pregnant naman, might as well enjoy it. I will not deprive myself and my baby of the food we like to eat. Rason ko kasi I was eating for two people. Kaya I really gained a lot but it's okay. It's part of being a pregnant woman that time." FAMILY REUNION. Nakita na raw ng kanyang ama at ng kanyang kapatid ang kanyang baby nang binisita siya ng mga ito from Davao. "My dad and my brother both flew in from Davao to visit me and see Ace. Natuwa ang daddy ko kasi ang puti-puti raw ng baby ko. I took a picture of them together. Ang layo raw ng kulay niya sa baby ko," tawa pa niya. Kinuwento nga ni Juliana na nagselos raw ang kanyang kapatid dahil may bago na raw itong baby sa buhay niya. "Noong una naman, natutuwa ang brother ko. Kahit hindi niya nakikita because he's blind nga, nahahawakan niya at naririnig niya ang pamangkin niya. "Tapos later on, parang tumatahimik na lang siya. Lalo na kapag alam niyang kinakarga ko na si Ace. I found out from my dad na nagseselos daw siya kasi nga may iba na raw akong baby. "So kinausap ko siya at ini-explain ko na may anak na ako, pero yung pagmamahal ko sa kanya bilang kapatid ay hindi mawawala. Matagal ko kasing inalagaan ang kapatid ko. Seven years ko siyang kasama when I decided to take care of him dito sa Manila. "Sinabi ko naman sa kanya na he will always be my baby no matter what. Pero siyempre, mas nakatutok ako sa baby ko na pamangkin niya. Slowly naman, naiintindihan niya ang gusto kong sabihin. I told him na kung gaano niya ako kamahal, gano'n din ang pagmamahal na ibigay niya kay Ace." MOMMY ISSUES. Tungkol naman sa ina ni Juliana, inamin niyang hindi pa raw sila nagkakausap nito, pero naipaalam na niyang may apo na ito sa kanya. "Matagal na kaming hindi nag-uusap ng mommy ko. Marami kaming hindi mapagkasunduan noon pa, lalo na when it came to supporting my brother. "Anyway, naiparating ko naman sa kanya that I gave birth already at may apo na siya sa akin. Yung ibang mga kapatid ko, alam na nila and they were happy for me. I just don't know about my mom. Ganyan naman ang relationship ko with my mom, e. Complicated. But I know naman na kapag nakita na niya ang baby ko, things will change between us," ngiti pa niya. Inamin naman ni Juliana na taga-New Zealand ang ama ng kanyang baby na nakilala niya noong magtrabaho siya sa isang website company doon. Ayon kay Juliana, matagal ang naging relasyon nila at planado nga raw ang pagbubuntis niya. "We talked about it and we decided to have a baby. I'm already 25 years old and I don't want to reach 30 years old bago ako magka-baby. Gusto ko ay parang magbarkada lang kami ng anak ko. "When I got pregnant, I told him and he was happy about it. Wala pa naman sa usapan namin na we would settle down when I get pregnant. We wanted to see first where it would lead us. "Noong ipalaam ko na I gave birth already, he was really excited to see his son. Kamukha kasi niya. I send him pictures and videos. He was so happy to see everything. "Kapag okey na kaming mag-travel ni Ace, we will be going back to New Zealand. I want my baby to meet his dad. And perhaps we can talk about things with regards to Ace's future. Ngayon kasi, Ace is using my family name which is Juanico." SHE DOESN'T MISS THE INTRIGAS. Three years din nawala sa showbiz si Juliana pero wala naman daw siyang panghihinayang. Naging maganda naman daw ang naging trabaho niya bilang isa sa mga assistants ng isang website company na may branches sa Hong Kong at New Zealand. Nami-miss ba niya ang kanyang naging buhay sa showbiz? "But of course. I had lots of fun when I was active in showbiz. My first movie ay naging bida ako kaagad and I won an acting award pa. I did good movies and a few TV shows. I gained lots of friends. "What I don't miss are the intrigas. Tapos na ako diyan. Nag-move on na ako sa aking buhay and I'm starting a new chapter in my life as a mother. If I wasn't successful as a showbiz personality, siguro sa pagiging mother, magiging successful ako. "There are no plans naman na magbalik ako sa showbiz. I have no manager and I am enjoying my work outside of showbiz. Plus I have this little man to take care of. So working mommy muna ako. I want to secure the future of my son." Marami nga raw plano si Juliana sa kanyang baby at sana nga raw ay matupad niyang lahat iyon. "Lahat naman ng parents, they want the best for their children. Ako, I want my son to finish in the best school. It's one thing that I wasn't able to do kaya ibibigay ko sa kanya iyon. I want him to be active in sports. Gusto ko yung a-attend ako ng mga football or basketball games to cheer him on. "I also like to take my son everywhere I go. I am such a traveler and I want my son to be my travel companion. I want him to experience different cultures. "Gusto kong mamulat ang mga mata niya sa iba't ibang klaseng bagay sa ibang bansa. But of course, ang roots niya ay dito pa rin sa Pilipinas. I will always remind him na maging proud Pinoy siya," pagtatapos pa ni Juliana Palermo. - Philippine Entertainment Portal