Filtered By: Showbiz
Showbiz

PEP: Karen delos Reyes explains why she prefers older guys and rockers


Ipinaliwanag ni Karen delos Reyes sa PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media sa press conference ng Machete noong Martes, January 18, kung bakit sila na-link ng legendary rocker na si Pepe Smith. Ayon sa aktres, nagsimula lang yun nang maging contestant siya sa defunct game show ng GMA-7 na Asar Talo Lahat Panalo ni Edu Manzano. Ang dalawang anak daw sana ni Pepe na close friends niya ang magtsi-cheer sa kanya sa show. Pero dahil kaibigan na rin niya si Pepe at nakakasama sa mga lakad, ito raw ang nakitang nagtsi-cheer sa kanya. Simula nga noon ay naisyu na sila. Iginiit ni Karen na walang anumang namamagitan sa kanila ni Pepe. Bagamat may nai-date na raw siya noong malaki ang tanda sa kanya. "I dated a guy na 40 years old at sikat din siya sa States. Siguro puwede nang sabihin, I dated him, pero online dating. Tapos, pinangakuan ako na uuwi siya rito sa Pilipinas," sabi niya. Sino ang guy na tinutukoy niya? "The world's best DJ—DJ Cubert. Nag-date kami minsan sa Greenbelt. One time, big time. "Tapos, umalis na siya. Tapos, online-online na lang. "Nagkita naman kami. Pero parang ayaw ni Bathala na magkatuluyan. "Kasi, every time na may ticket na siya, tapos uuwi rito sa Manila to see me, ipapakilala ko na sa parents ko, biglang nauunsiyami. "Like six days before siyang pupunta rito, hindi na lang pupunta dahil biglang may gig siya sa Spain. Tapos, ang daming struggle. "Pero we're best friends right now, super good friends." Biglang kambiyo naman si Karen when we asked her kung mas type ba niya ang mas matanda sa kanya. "Sobra naman kayo!" bulalas niya. "I'd rather go to a guy na four, five years older than me. "E, sabi nga nila, ang utak daw ng babae, parang ahead ng isa, dalawang taon sa lalaki. So, kung ka-age ko, baka ako pa ang mamanipula ng relationship." ROCKER BOYFRIEND. Natawa naman si Karen nang tanungin namin kung loveless ba siya ngayon, sabay sabing: "Sabihin na lang natin na masaya ako." Vocalist-guitarist daw ng isang underground band ang boyfriend niya ngayon, bagamat away niyang i-reveal ang identity nito. Matagal na ba sila ng boyfriend niya? "Sandali pa lang, pero masaya ako," sambit niya. "Basta isipin n'yo na kung ano ang gusto ninyong isipin. "Si Pepe Smith, bokalista rin, bahala kayo sa buhay n'yo! Basta ako, masaya ako ngayon." Bakit nalilinya yata siya sa mga rocker? "Rock and roll lang. Bakit? Basta, rock and roll lang!" natatawa niyang sabi. MCDONALD'S COMMERCIAL. Muling napapanood sa TV ang ginawang commercial ni Karen para sa McDonald's 10 years ago. Sa naturang commercial siya unang nakilala at ito ang naging daan para mapasok niya ang mundo ng showbiz. Natutuwa rin siya sa mga nakakarating sa kanyang komento na parang walang masyadong nagbago sa hitsura niya. "Ang ganda ng new year ko!" sambit niya. "At saka sa Twitter, parang lahat sila, 'Ms. Karen, bago po ba ito or ito ang luma?' "I've found the fountain of youth! O, di ba?" tawa niya. Dagdag niya, "It's McDonald's 30th anniversary here in the Philippines. Yung commercial ko, that was 10 years ago, a decade. "I think they're gonna air mga three classic commercials, like 'Simbang Gabi,' yung 'Karen-Gina-Lolo,' and another one. "Yung 'Simbang Gabi,' na-air na noong December. Yung sa akin, hindi ko alam kung hanggang kailan ie-air." Nabanggit din ni Karen na bayad daw siya sa muling pagpapalabas ng commercial niya. "O, di ba? Kumikitang kabuhayan! It's a blessing talaga from God." Ano nga ba ang sikreto ni Karen at tila hindi siya tumatanda? "Sa tingin ko, ako kasi, masayahin akong tao. Hindi... Parang kahit malungkot ako ngayon or depressed ako, hindi mawawala na tumawa ako or ngumiti ako. "I make it to a point na kailangan, masaya ako. Ganoon. So, smile lang. "At saka, siyempre ngayon, since I'm a vegetarian, puro lamang-dagat na lang. And I drink two liters of water every day and a lof of fruits and vegetables. "So, siguro kaya ganito pa rin ang face ko," saad niya. BACK TO KONTRABIDA ROLE. Bagamat kasama si Karen sa bagong primetime series ng GMA-7 na Machete ay hindi pa raw siya nakakapag-taping. Ni hindi nga raw niya alam na kasama siya sa serye nang tawagan siyang um-attend ng presscon. "Kagabi lang sinabi na kasama nga ako sa presscon. Basta, parang sobrang ganda ng New Year ko. "January 1, 2 and 3, I was with mga mahal ko sa buhay. Siyempre, kapatid ko, kasama kami ni Pepe Smith, boyfriend ko, mga girl friends ko. Magkasama kaming lahat. "Rock and roll! So, ang saya ng New Year ko. "Tapos, tumawag itong Machete na be ready. So, nagulat ako. "Tinanong ko, 'Ano po ang role?' Ang sabi, guest role. Pero napakaganda ng role, kontrabida nga raw. "Sabi ko, 'Sige, fight tayo diyan!' Kasi, yun ang ipinagdarasal ko. Since last year pa, palagi na lang kasi akong best friend, di ba? "Gusto kong bumalik sa pagiging kontrabida. Sa roots ko na doon ako nakitaan ng galing ng tao. "At sobrang na-excite ako noong malaman ko na si Direk Gina Alajar ang director ngayon. "Noong first time kong maging kontrabida, ever in my life, Narito ang Puso Ko with Jolina Magdangal. Kumbaga, ako yung pinakamababang uri ng artista dati noon. "Totoo yun... Kasama mo ba naman Dina Bonnevie, Carmina Villarroel, Amy Austria... Di ba, parang bata, tapos ang bigat ng role na ibibigay sa 'yo, paano ka makaka-move? Tapos, sasampalin mo si Amy Austria, paano yun? "Ang nagbigay sa akin ng motivation, si Direk Gina Alajar. Minolde niya ako bilang kontrabida. Kaya ngayon, sobrang na-excite ako. "Seven months akong hindi umarte. Last ko The Last Prince with Aljur Abrenica also. Tapos, Survivor na nga," sabi ng dating Survivor Philippines Celebrity Showdown castaway. - Rose Garcia, PEP