ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

PEP: Ruffa Gutierrez talks about ex-husband Yilmaz Bektas's reported wedding


Isang araw pagkatapos pumutok sa PEP (Philippine Entertainment Portal) ng balitang pagpapakasal umano ng Turkish businessman na si Yilmaz Bektas sa Miss Universe 2006 na si Zuleyka Rivera Mendoza, nakuhanan na rin ng reaksiyon ang dating asawa ni Yilmaz na si Ruffa Gutierrez. Sa trade launch ng TV5 nitong March 25, sa World Trade Center, Pasay City, nakausap ng PEP si Ruffa at sinabi ng aktres na nakausap niya si Yilmaz madaling-araw ng Huwebes sa pamamagitan ng Skype. Inilagay niya kasi sa Twitter account niya na meron siyang "ka-reminiscing" at "time heals all wounds." Incidentally, kung hindi sila nagkahiwalay ay kahapon sana ang 7th wedding anniversary nila. "Okay naman, we're back on speaking terms. We're communicating at naging masaya naman ang pag-uusap namin last night. We actually talked for three hours," sabi ni Ruffa nang kumustahin ng PEP ang pag-uusap nila ni Yilmaz. Tinanong ba niya si Yilmaz sa balitang pagpapakasal nito kay Zuleyka sa June 21? "Tinanong ko siya, pero hindi niya ako mabigyan ng sagot," sabi ni Ruffa. "Well, he hasn't admitted anything and he hasn't denied anything. So, I guess it's not my place also to comment if it's true or not. Siguro it's better kung siya ang tanungin natin, if ever." Baka gusto ni Yilmaz na siya mismo ang magsabi sa kanya kapag nagkita sila? "I don't know, we'll see," nakangiting sabi ni Ruffa. When she heard the news about Yilmaz's upcoming wedding, may naramdaman ba siyang sakit sa dibdib, kahit papaano? "Actually, no... I wish him the best of luck. We already filed for annulment. It's ongoing and, inevitably, it's gonna happen." Dagdag niya, "I was actually expecting something na baka kumirot ang puso ko or baka maglulupasay ako or...naghihintay ako kagabi na, okey, baka naman if I'm alone na, like biglang mag-iiyak ako, magli-listen ako ng mga Turkish songs, wala! Nakakaloka, hintay ako nang hintay, wala akong naramdaman. So, siguro nga, time heals all wounds. And wala akong maramdaman na ganun. When we talked yesterday, nagtutuksuhan kami, reminiscing din and it was a good talk." So, she can say that she has finally moved on? "Yeah, we've moved on," sagot ng actress-TV host. "I think we respect each other now. Nakakapag-usap kami and any time he wants to talk to me, he can call me, and the same thing with him. It's actually much, much better now than the first few years [after the separation]." YILMAZ WILL STILL VISIT. Sa isang interview kay Ruffa ay sinabi niya na kahapon ay darating si Yilmaz para bisitahin ang mga anak nilang sina Lorin at Venice. Pero walang Yilmaz na dumating kahapon. What happened? "He's coming after Holy Week. I told him to come after Holy Week kasi the kids and I will be away," paliwanag ni Ruffa. Ayon pa kay Ruffa, excited na raw ang dalawang anak sa pagdating ng ama nila. "Oo naman. Siyempre, hindi mo maiiwasan that Lorin and Venice will miss their dad, so they are really excited that he's gonna come. Wala namang problem with me." Kung naka-move on na nga and if it's true na magpapakasal na ngang muli si Yilmaz, magiging senyales na ba ito sa kanya na okey na ring bumonggang muli ang kanyang lovelife? "Ay, ayoko ngang bumongga!" natatawang sabi ni Ruffa. "Napaka-busy ko. Parang wala namang interesting lately. Hindi rin naman ako naghahanap. I think with all the blessings coming my way, I think it's better if we'll just focus at work. Alam mo naman, when it rains, it pours. "So, gusto ko munang mag-ipon at asikasuhin ko yung trabaho ko. Darating din naman yung love. I'm happy naman on my own. I chose to be single. Marami naman diyang admirers. May mga dumating, may nawala. May mga nandiyan lang, umaaligid. So, it's up to me naman if I wanna be with someone or not." - Rose Garcia, PEP