Filtered By: Showbiz
Showbiz

PEP: Jean Garcia has no regrets posing for FHM


Si Jean Garcia ang cover sa October 2008 issue ng FHM, kung saan nag-topless ang aktres. Nasilip ang kanang bahagi ng dibdib ni Jean ngunit hindi naman siyempre nakita ang nipples niya. Kahit halos hubad na siya sa litrato at lavender panty lang ang kanyang suot, hindi pa rin bastusin ang dating niya. May walong shots pa si Jean sa loob ng No. 1 men's magazine. May naka-lingerie siya, may naka-two-piece, at isa na kita ang gilid ng kanyang dibdib. Pero ang ganda ng pose at litrato ang tatatak sa bibili ng kopya. "Hindi bastos ang pagpapakita ko ng skin, ‘no!" sambit ni Jean. "Two years din akong inawitan ng FHM at pang-third year ngayon bago ako napapayag. Kinausap ako ni Direk Manny [Valera, her manager] at sinabihan akong baka pagdating ng panahon, magsisi ako kung bakit hindi ko ito ginawa. At least, wala akong regrets and I'm very proud sa kinalabasan." Ikinuwento ni Jean sa PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng Walang Kawala kahapon, September 28, na kumportable siya sa staff at fotog ng FHM na si Dr. Marlon Pecjo. Laking pasasalamat din ni Jean kay Deng Foz na nag-makeup sa kanya dahil mas pinaganda siya at hindi halatang puyat siya at galing siya sa taping ng Dyesebel. "Nagustuhan ko lahat ang pictures at hindi ako na-conscious. Ang bilis din naming natapos; after six shoots, tapos na. Hindi ako in-expose. After an hour, tapos na, ang bilis! Bago nila i-print ang photos, ipinakita muna sa akin ang layout at pinapili ako kung anong gusto kong ilabas na picture. "Parang naging fashion shoot siya, hindi malaswa. Lumabas ang real Jean Garcia. Ang iba kasi, pa-pout-an ng lips at paseksihan nang husto. Ito, ang ganda! Normal lang at ang kaibahan lang, sexy ang suot ko." Masusundan pa ba ang pagko-cover niya sa FHM sa ibang men's magazine? "Huwag muna, okey na ako sa FHM. I'm very happy with the result," sagot niya. Paano siya nag-prepare for the pictorial? "Wala nang time to prepare at hindi rin ako nag-diet." Ano ang napagpabago ng desisyon niya at pumayag na rin siyang lumabas sa FHM? "Para pagtanda ko, wala akong pagsisihan na bakit hindi ko na-try. Wala namang masama, di ba? Tumanda man ako, at least na-try ko." Paano kung offer-an ang anak niyang si Jennica Garcia na mag-pose sa FHM? "Not now!" tili ni Jean. "Darating din ang time niya at gusto ko, ‘pag gusto na niya at hindi dahil career move. It's up to her really. Dream niya rin ito, pero huwag muna ngayon; she's only 18 years old. Hindi pa rin niya nakikita ang magazine at alam niyang hindi ako papayag kung hindi ako at ease." Paano kung ayaw ni Mart Escudero, ang young actor na rumored boyfriend ni Jennica? "Aba, ewan ko na lang. May magagawa ba siya with the mother around?" tawa ni Jean. Pati si Emilio Garcia, partner ni Jean sa digital movie na Walang Kawala ng DMV Entertainment sa direksiyon ni Joel Lamangan, na-impress sa FHM cover ni Jean. Nagpapirma rin ito ng copy niya ng magazine habang panay ang sabing "wala kang kupas" na ikinatawa ni Jean. May radio tour si Jean sa October 8, at autograph signing sa October 10 sa Robinson's Galleria to promote FHM. Samantala, wala pa ring pahinga si Jean. Tuluy-tuloy ang schedule niya dahil lagare siya sa taping ng Dyesebel na sa October 14 na ang last taping day. Sa October 17 naman ang simula niya ng taping ng kasunod niyang primetime series, ang Gagambino. Bukod dito, kasama rin siya sa Shake, Rattle & Roll X, hindi pa lang daw niya alam kung anong episode siya mapapasama. Next year, mapapanood siya kasama sina Sunshine Dizon, Iza Calzado, at Eula Valdes sa Pinoy adaptation ng Koreanovela na All About Eve. Proud din si Jean sa Walang Kawala, na showing sa November 12. May special screening din ang pelikula sa UP Film Center sa November 6. Kapag ipinalabas sa ibang bansa, No Way Out ang magiging title ng movie. "Gusto ko ang character ko dito na tanggap lahat ang ginagawa ng asawa, battered wife si Beng [her character], mabait, pero hawak sa leeg ni Rufo [Emilio Garcia]. Housewife lang, nag-aalaga ng isda sa aquarium, pero may symbolism ang aquarium ko. Basta panoorin ninyo at maganda ang pelikula," pagpa-plug ni Jean. - Philippine Entertainment Portal