Filtered By: Showbiz
Showbiz

Jolina is mistaken for a cabin maid by luxury liner's foreign guests


Nakatanggap ng e-mail ang PEP (Philippine Entertainment Portal) from GMA Films project coordinator Noel Ferrrer, Daddy Jun Magdangal at boyfriend ni Jolina Magdangal na si Bebong Munoz. Updates ng movie’ng I .T.A.L.Y. (I Trust And I Love You) at photos ang laman ng e-mail. Nakakatuwa naman ang text ni Jolina Magdangal sa PEP habang nagku-cruise sila aboard the luxury liner Costa Magica, from Marseilles, France to Barcelona, Spain. Inutus-utusan daw siya ng mga tourist sa barko. "Napagkamalan po nila akong cabin attendant," text ni Jolens. "Nagsu-shoot po kasi kami kaya naka-uniform ako. Ayaw po nilang maniwala na shooting iyon ng movie naming I.T.A.L.Y. Pero nag-sorry naman po sila sa akin nang malaman nilang totoo palang shooting iyon at nanood na rin sila." Hindi na raw malilimutan ni Jolina ang shooting na iyon. Bukod sa first time niyang nag-cruise, naka-bonding niya ang mga co-GMA stars niyang sina Dennis Trillo, Rufa Mae Quinto, Rhian Ramos, Mark Herras, at si Eugune Domingo. Gusto rin daw niyang balikan ang pinag-shooting-an nila sa Italy na Venice dahil napakaromantic daw ng place. Sa Venice daw sila nag-shoot ng eksenang naka-wedding gown siya at sumakay pa sa gondola. Sa pagbalik niya sa Venice, kasama na niya ang boyfriend na si Bebong. Dahil nung mag-shoot daw siya roon, nasa Milan pa si Bebong, kasama nina Dennis, Rufa Mae, Eugene, Rhian, at Mark. Ang bait-bait din daw ng cruise captain nilang si Captain Frank na noong Italian talent night, kinantahan sila nito at ng crew ng "O Solo Mio" at si Mark naman ay naki-join sa pagsayaw ng "Volare" with the crew. Pinalakpakan din ng mga turista ang pagkanta ni Rufa Mae ng paboritong song nito na "Ocean Deep" at ang heartfelt rendition ni Jolina ng "Will of the Wind." "Pabalik na po ang cruise at babalik kami muli sa Savona in Italy. From there, magba-bus na po kami for Milan, then sasakay na kami ng airplane for Amsterdam, and then flight back to Manila na kami. Kailangan ko na pong bumalik dahil magla-live na kami sa Pinoy Idol. Text naman ni Noel: "Nandiyan na si Rufa Mae sa Pilipinas ngayong hapon, hahabulin niya kasi ang Showbiz Central tomorrow, may TV coverage ang pagdating niya at ipalalabas tomorrow sa show plus ang mga initial shots namin dito ng movie. Miss na rin namin ang Pilipinas, kaya sa Tuesday, sabay-sabay na kaming babalik nina Jolina, Eugene, Rhian at Mark. Maiiwanan pa sina Direk Mark Reyes at Dennis Trillo, with his manager Popoy Caritativo. Pag-dock ng barko sa Rome, magsu-shooting pa roon ng mga additional scenes si Dennis. "Pagbalik namin diyan, tuluy-tuloy pa rin ang shooting namin dahil may mga eksena pang makakasama sina Aljur Abrenica at Edgar Allan Guzman at ilan pang talents ng GMA Network." - Philippine Entertainment Portal