Hero Angeles is now a certified Kapuso
Kasama sa cast ng Dyesebel na nag-pictorial noong March 31 si Hero Angeles. Kapatid ni Aljur Abrenica ang role ng dating ABS-CBN star sa fantaserye ng GMA-7 at gaganap silang fishermen. Kung tama ang impormasyong nakuha ng PEP (Philippine Entertainment Portal), magiging magkaribal sila ni Aljur kay Kris Bernal. Excited, ninenerbiyos, at masaya si Hero na finally after a long, long time, mapapanood na uli siya regularly sa TV and this time, sa Kapuso network na. Ang last regular show niya ay ang SCQ Reload! Kilig Ako sa ABS-CBN, kung saan naging contract star siya from June 2004 to May 2005. Naging regular din siya sa Krystala, Nginig, ASAP, at ASAP Fanatic. Tinanong ng PEP ang isang malapit kay Hero kung ano ang feeling nito na sa GMA-7 na siya nagtatrabaho. Inalam din ng PEP ang scope ng pinirmahang kontrata ng young actor sa Kapuso network. "Natutuwa siya kasi he can work with other stars. As for the contract, sorry, hindi kami puwedeng magsalita, but it's okay naman," sabi ng aming source. Si German "Kuya Germs" Moreno, ang kapatid ni Hero na si Henry Angeles, at ang GMA Artist Center (GMAAC) ang nagtutulung-tulong sa pagma-manage sa young actor. Kasama na rin si Hero sa kauna-unahang GMAAC image plug shoot na ilu-launch sa SOP sa April 20. Isinama siya kina Jennylyn Mercado, Yasmien Kurdi, Rainier Castillo, at Mark Herras na pawang produkto ng StarStruck 1. May gusto kayang iparating ang GMAAC at ang GMA-7 sa ABS-CBN sa pag-level nila kay Hero sa mga taga-StarStruck gayong winner ito ng first Star Circle Quest? Bago ang Dyesebel, nag-guest si Hero sa ibang shows ng Kapuso network, kabilang ang SOP, SOP Gigsters, Maynila, Tok! Tok! Tok!, Whammy!, SiS , Nuts Entertainment, at Walang Tulugan ni Kuya Germs. Siguro naman, ngayong certified Kapuso na si Hero, mas madalas siyang magge-guest sa show ng bago niyang home station na siguradong ikatutuwa ng kanyang fans. - Philippine Entertainment Portal