Filtered By: Showbiz
Showbiz

John 'Sweet' Lapus feels vindicated by success of Showbiz Central


April last year nang magsimulang umere sa telebisyon ang Showbiz Central. This coming April, magkakaroon ng whole-month celebration ang Sunday showbiz talk show ng GMA-7 na hinu-host nina Pia Guanio, Raymond Gutierrez, Rufa Mae Quinto, Mo Twister, at John "Sweet" Lapus. Nakausap ng PEP (Philipppine Entertainment Portal) si Sweet kahapon, February 10, sa live telecast ng Showbiz Central sa Broadway Centrum. Tinanong namin siya how does it feel na malapit nang mag-one year anniversary ang kanilang show. "Maraming-maraming salamat!" bulalas ni Sweet. "Nakakataba ng puso dahil sa suporta ng ating mga Kapuso out there at mga advertisers. Wala pang isang taon, papunta pa lang sa isang taon ang Showbiz Central ay naging number one na kaagad sa showbiz-oriented talk show. So, nakaka-flatter. Maraming-maraming salamat sa lahat ng sumuporta and thank God for everything!" May nagsasabi noong una na hindi magtatagal, good as few episodes lang ang kanilang programa. Does he feel vindicated now? "Ganoon yata talaga... In a way, honestly, I feel vindicated. We feel vindicated. Ganoon yatang talaga, mentras ka pinagda-doubt-an, mas lalo kang nagpupursige. Mas lalo mong pinaghuhusayan ang trabaho. At nakikita naman ng taong-bayan ang resulta," pahayag niya. Would he say tama ang decision niya ng lumipat ng network? "Ay oo naman!" walang kagatul-gatol niyang sagot. "Proud to be Kapuso na ako. Wala naman akong pinagsisihan sa mga ginawa ko in the past. I think, sa lahat ng ginawa ko, pasok sa banga ang paglipat ko sa GMA. It's Top 3 sa mga major decision na ginawa ko sa buhay ko." Sa palagay kaya niya ay may dapat panghinayang ang katapat nilang programa na pinakawalan siya? "Aha!" napangiti si Sweet. "Hindi naman siguro. Kasi, in fairness naman sa The Buzz... Alam mo, ‘yan ang nakakalimutan ng mga tao every time they ask me. In fairness, bago naman po ako lumipat sa GMA, matagal na naman akong wala sa The Buzz. "After ng The Buzz, gumawa pa ako ng ETK. Siguro masyado lang akong matagal sa The Buzz at naging markado. Kasi, noong time naman na nasa The Buzz ako, e, modesty aside, yun talaga ang mataas ang rating ng The Buzz. So, siguro yung mga tao, yung nasa isip nila, The Buzz ako galing... Pero no, I have prior show bago ako lumipat dito sa Siete, in fairness naman." Ang "Don't Lie to Me" daw ni Sweet ang inaabangan palagi sa Showbiz Central. Ano ang masasabi niya rito? "Sabi nga ng mga advertisers, pati na rin ang staff ng Showbiz Central, and I'm so thankful. Bakit nga ba? Maybe because in a way, na-reinvent ang showbiz talk show by putting up a lie-detector test. Wala namang kaso yung mga celebrity. Wala naman silang masamang ginawa, pero in a way, para mapaamin mo sila.... Naku-curious kung sino ang magsasabi ng totoo. But again, palaging inuulit na truth or lie lang ang sagot. Ang lie-detector test, hindi dapat ituring na absolute truth," diin niya. Kung siya ang papipiliin, sino pa ang mga gusto niyang maisalang sa lie-detector test? "My gosh, ang dami! Gretchen Barretto, Megastar Sharon Cuneta... Yung may mga isyu ngayon na hindi mamatay-matay ang isyu. Tita Lolit [Solis]... I would like Tita Lolit to make salang in lie-detector test. Yung iba, napagbigyan na rin ako," sabi ni Sweet. Naniniwala ba si Sweet sa kahalagahan ng ratings? Simula kasi nang magkaroon ng issue about the alleged discrepancy in TV ratings, may mga artistang nagsasabing hindi na sila naniniwala rito. "Well, siyempre, kanya-kanya lang naman ‘yan, di ba? Good kung hindi sila naniniwala sa rating. In a way kasi, sabi nga ng mga advertisers, rating is like their bible. So, importante rin talagang malaman ano ang rating. "Pero alam n'yo, other than the rating, nakikita ko rin, e. When I go to the mall, ang mga tao sumisigaw ng ‘Don't Lie To Me!' Siguro hindi lang naman ang rating... Mararamdaman mo rin kung ano ang reaction sa ‘yo ng tao once you go out of television," pagtatapos ni Sweet. - Philippine Entertainment Portal