Filtered By: Showbiz
Showbiz
WATCH

Joel Cruz, paano nga ba yumaman sa kaniyang perfume business?


Isa na ngayong multi-millionaire, aminado ang "The Lord of Scents" at businessman Joel Cruz na "humble beginnings" din ang pagbubukas ng tindahan niyang Aficionado.

Kolehiyo pa lang, nasa isip na talaga niya ang pagnenegosyo.

Sa programang "Tunay Na Buhay" sa GMA Network, ikinuwento ni Joel na nag-aaral siya noon ng Psychology ngunit nagbebenta na siya ng mga produkto sa Hong Kong at Thailand, saka muling ibebenta.

Tuluyang iniwan ni Joel ang kaniyang pagdodoktor nang simulan na niya ang kaniyang patahian, ngunit nagsara rin ito kalaunan.

Nagsimula namang pumasok si Joel sa perfume business matapos niyang mag-abroad at bumalik sa Pilipinas, hanggang sa magtuloy-tuloy na ito.

Dahil dito, napatayo niya ang kaniyang White House Of The Lord Of Scents sa Baguio City. — Jamil Santos/DVM, GMA News