Filtered By: Showbiz
Showbiz

Cesar Montano wants a baby boy from Sunshine


Nagbabalik sa ABS-CBN ang mahusay na aktor na si Cesar Montano via the new celebrity boxing competition Pinoy Mano-Mano, na magsisimula na sa October 27, pagkatapos ng TV Patrol Sabado. Huling napanood sa telebisyon si Cesar nung mag-special appearance sila ng misis niyang si Sunshine Cruz sa Asian Treasures ng GMA-7. Cesar gladly promotes his new reality show: "Unang-una, ang ganda ng intention ng show, to correct the character of our actors. Pangalawa, i-encourage ko sila sa tulong ng show na maging fit, maging ready for any job na tatanggapin nila...malinaw ang pag-iisip, lakas ng pangangatawan at malayo sila sa bisyo. At the same time also, maraming matutulungan na charity. Me, myself [sic] I have my own foundation, the Panaghoy Children Foundation (PCF) na matutulungan ko rin out of this." He set up his children's foundation before the May 2007 elections, bilang paraan ng kanyang pagtulong noong nagkaroon ng food poisoning sa Bohol dahil sa pagkain ng cassava cake. Sa sariling exhibition game ni Cesar ido-donate niya ang honorarium na makukuha niya para sa PCF. At hihilingin niya sa kung sinuman ang makakalaban niya sa ring na sana ay i-donate na rin sa PCF ang kanyang fee. FIGHT TO FIX THINGS. Lalaban din si Cesar sa Pinoy Mano-Mano, pero hindi pa tiyak kung sino ang makakalaban niya sa kanyang exhibition game. Pinapili siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kung sino ang three possible choices niya. "Ahh, Richard Gomez, kasi mahilig din siyang tumulong din. Pangalawa, Andrew Wolfe para maayos na kung anuman ang inisip ng mga tao na hidwaan namin. E, kasi, doon lang matatapos yun, e. Kapag nag-akap na yung dalawang boxers after the fight, magic na yun. Lahat sarado na," pahayag pa ng actor-director-producer. Ang mga taong binanggit ni Cesar ay pawang nakaalitan niya noon. Nang tanungin siya tungkol sa pangatlong pangalan, pabirong sinabi ng PEP ang Tulfo brothers, na nakabangga niya noon sa isang gym sa Quezon City. Natawa si Cesar bago sumagot. "Well, actually, sana," ngiti ni Cesar. "Yeah, anybody [from Tulfo brothers]." Hindi raw niya alam kung ano ang iisipin ng iba pero para sa kanya, walang malisya ang pagsabi niya. "Basta ang intension ko is to patch up everything, kiss and make up, and to help. Primarily, to help a certain foundation," dagdag pa ni Buboy, ang kilalang palayaw ni Cesar sa showbiz. Nabalitaan din noon na lilipat na si Cesar sa Kapuso network, pero hindi ito nauwi sa pirmahan ng kontrata dahil daw sa ayaw niyang makasama sa isang network si Richard. "After the campaign and the election, wala akong ginagawa. E, Kapamilya ang may offer na ganitong, ah...and they offered me three shows. Late na nag-offer ang GMA-7," ang sagot ni Cesar. Dagdag pa niya, "Ako, gusto ko anytime mag-cross ang landas namin [ni Goma]. "Yeah, willing akong makatrabaho siya. Wala naman akong iniilagan. Mas maganda yung magkaroon ka ng kaibigan. Magharap kayo to patch up everything. Mag-usap kayo kesa habang buhay kayo na may sama ng loob sa isa't isa. It's not good." Sino ang gagawa ng first move sa kanila ni Richard? "I'm doing the first move. Gusto ko siyang makasama sa ring. At ako, sa tingin ko, kahit lagyan nila ng malisya or kahit ano ang isipin nila, mag-enjoy na lang sila. We'll do this match para tapos na," aniya pa. Co-host ni Cesar ang kaibigang si Bayani Agbayani sa Pinoy Mano-Mano. May pitong male celebrities ang tatanggap ng hamon. Kabilang dito sina TJ Trinidad, Rico Barrera, Jordan Herrera, Rico Barrera at Joem Bascon. NEXT PROJECT. Malapit na ring simulan ni Cesar ang kasunod na proyekto nito sa ABS-CBN, ang kauna-unahan niyang teleserye, ang remake ng Palos. Gaganap siya bilang tatay ni Jake Cuenca. "Walang problema sa akin. It's a job. I'm an actor. It doesn't matter kung anong klaseng character ‘yan as long as it is a challenging role for me, especially itong Palos. It's a dream role for me. I'm a huge fan ng Palos, e. Ako yung palos. "Natutuwa nga ako dahil kinuha pa rin nila ako. At the end of the day, naisip ko na mabuti at maganda pa rin ang mapunta sa Kapamilya," nakangiting sabi ni Cesar. BABY PLANS. Samantala, desidido pa rin talaga si Cesar na magkaroon ng anak na lalaki sa kanyang misis na si Sunshine Cruz, kahit may Angelo na siya sa una niyang asawa, at si Diego sa dating aktres na si Teresa Loyzaga. Pero matigas si Sunshine sa kanyang desisyon na ayaw muna niyang magbuntis ulit for the next five years. "Ah, ngayon, well, salita lang niya yun. Hayaan ninyo, I have hundred of ways na para magkaroon pa kami ng kid," ang sabi ng award-winning actor. What if babae ulit ang susunod na ipagbuntis ni Sunshine? "Okay lang," ngiti ni Cesar. "Try ulit! Mga 30 anak pa kay Sunshine, okey lang sa akin. Hahaha!" Five years daw ang effect ng Mirenan birth control na ipinalagay ni Sunshine sa kanyang ob-gyne. "Meron nga, e," lahad ni Cesar. "Ipatatanggal ko nga habang natutulog siya. Hahaha!" Sinabi na rin noon ni Sunshine na tanging ang ob-gyne lang niya ang pwedeng mag-alis noon sa katawan niya. "Kakausapin ko na yung OB-Gyne niya para tanggalin. Pero ngayon, okey na ...natutuwa naman ako sa nangyayari ngayon. Right now, she got several jobs, offers here sa ABS-CBN. Marami siyang trabaho, so una, hindi muna niya ‘yon...but until a certain time kailangan niyang magpahinga, kailangan niyang mag-baby. Siguro for another year or couple of years, siguro puwede na. Bata pa siya. Pwede pa siya," pagtatapos ni Cesar. - Philippine Entertainment Portal

Tags: cesarmontano