Filtered By: Showbiz
Showbiz

Gabbi Garcia on moving on: 'Treat yourself, bes!'


Pinatunayan ng Kapuso actress at “Encantadia” star na si Gabbi Garcia na hindi hadlang ang pagiging single upang ma-enjoy ang pagbabakasyon ngayong panahon ng tag-init.

Sa “3 Days of Summer” special episode ng GMA News and Public Affairs, nagkaroon ng kakaibang “journey to self-discovery” ang aktres sa iba't ibang summer destinations sa Pilipinas, tulad na lamang ng mala-paraisong lalawigan ng Antique.

Aniya, maaari ring makatulong sa mga brokenhearted ang pagiging solo traveler upang tuluyan nang maka-move on mula sa dati nilang karelasyon.

“Sabi nila, traveling heals all wounds daw. Kung gusto mong maka-move on sa manloloko mong ex, nako, hindi sa kuwarto mo mahahanap 'yan, bes," ayon kay Gabbi.

Payo ng aktres, "Treat yourself din!”

 

 

Heartbroken? Labas-labas din bes. Wala sa loob ng kwarto mo ang salitang 'move on.' ????#3DaysOfSummer

A post shared by GMA Public Affairs (@gmapublicaffairs) on

 

 

 

You deserve to be happy. Always.????????????#3DaysOfSummer

A post shared by GMA Public Affairs (@gmapublicaffairs) on

 

Narito ang ilan pang hugot ng mga “single and loving it” ngayong summer:

Mapapanood ang ikalawang bahagi ng “3 Days of Summer” special episode ng GMA News and Public Affairs sa darating na Linggo, 10:30 p.m., pagkatapos ng “Kapuso Mo, Jessica Soho.”

IN PHOTOS: Gabbi Garcia is a real-life Alena in Antique vacation

—Bianca Rose Dabu/KG, GMA News