Filtered by: Showbiz
Showbiz
WATCH

Marian Rivera as sultry as ever in magazine photo shoot


Walang-kupas na kagandahan ang ipinakita ng Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera sa kaniyang pagbida sa cover ng Rogue Magazine ngayong Abril. 

Bida si Marian sa Appetite Issue ng Rogue—ang kaniyang ika-apat na beses sa cover ng lifestyle magazine—kung saan itatampok ang five-course meal na gawa ni Chef Bruce Ricketts base sa iba't ibang highlights ng buhay at career ng aktres.

“A five-course meal based on Marian Rivera's life? Be our guest,” ayon sa isang Instagram post ng Rogue nitong nakaraang linggo.

 

 

A post shared by ROGUE Magazine (@rogueonline) on

 

Matapos ang sandaling pamamahinga ni Marian mula sa paggawa ng teleserye upang matutukan ang pag-aalaga sa panganay na anak na si Maria Letizia, inaabangan ngayon ng marami ang kaniyang pagbabalik sa Kapuso Primetime block. 

Abala rin ngayon ang Kapuso actress sa nalalapit na pagbubukas ng kaniyang bagong negosyo—ang Flora Vida: Perennial Blooms by Marian Rivera.  —LBG, GMA News

Tags: marianrivera
More Videos