Filtered By: Showbiz
Showbiz
LOOK

Donna Cruz, Regine Velasquez, Mikee Cojuangco reunite in project after 20 years


Muling magsasama-sama sa isang proyekto sina Donna Cruz, Regine Velasquez, at Mikee Cojuangco, ang singing trio na nakilala sa 1996 Pinoy musical comedy film na “DoReMi.”

Masayang ibinahagi ng tatlo ang kanilang mga larawan mla sa paghahanda para sa nasabing project.

“Abangan po ninyo! We did something that we have not done together in 20 years,” ayon kay Mikee sa isang Instagram post nitong Miyerkules.

Dagdag pa niya, “Super saya ng taping! Sa bagay, kapag magkakasama kaming tatlo, lagi namang masaya. Thanks for bringing the three of us together again, (Regine).”

Sabi naman ni Donna, “Nakakamiss at sobrang nag-enjoy ako na makita at makasama ulit sila!”

 

 

#DoReMi soon ????

A post shared by reginevalcasid (@reginevalcasid) on

 

Kabilang sa mga kantang pinasikat ng “DoReMi” ang “I Can,” “A Little Love Goes A Long Way,” “Sharing The Same Dreams,” “Stop! In The Name Of Love,” at marami pang iba.

Nitong nakaraang taon, muling nagkasama sa entablado sina Regine at Donna bilang bahagi ng “The Regine Series: Nationwide Tour.”

Nagkaroon din ng sandaling reunion sina Regine at Mikee sa isang bakasyon noong nakaraang Disyembre.  — RSJ, GMA News