Filtered by: Showbiz
Showbiz

Tom Rodriguez’s father passes away


Pumanaw na nitong nagdaang Sabado si William Albert Mott Sr., ang ama ng Kapuso actor na si Tom Rodriguez.

Kinumpirma ng talent manager na si Popoy Caritativo ang balitang ito kasabay ng paghingi ng panalangin para sa buong pamilya ni Tom.

Aniya, noong March 17 pa lumipad papuntang Arizona sa America ang aktor upang makapiling ang kaniyang ama sa mga huling sandali nito.

“I would like to inform the friends and supporters of Tom Rodriguez that his father, Mr. William Albert "Bill" Mott Sr., has passed away Saturday, 1:00 PM Arizona, USA time. Tom flew to the United States last March 17 to be with his family and was by his father's side during his last moments,” ayon kay Popoy.

Dagdag pa niya, “We would like to ask for prayers for the Mott family at this very sad time.”

 

 

Kabilang sa mga unang nagpaabot ng pakikiramay ang kasintahan ni Tom at Kapuso host-actress na si Carla Abellana.

Paglalarawan niya sa ama ng aktor, “The strongest man i've known.”

 

 

The strongest man i've known ??

A post shared by Carla Abellana (@carlaangeline) on

 

 

 

I love you, Tito Bill ??

A post shared by Carla Abellana (@carlaangeline) on

 

Matatandaang Agosto noong nakaraang taon nang ibahagi ni Tom ang pakikipaglaban ng kaniyang ama sa sakit na lung cancer.

“Ano kasi, si Daddy kasi, siya 'yung pinakamatapang na taong kilala ko... He’s a fighter, grabe! Sobrang bilib ako.” ayon sa Kapuso actor.

[READ: Tom Rodriguez reveals his father's fight with cancer]

— RSJ, GMA News

Tags: tomrodriguez
LOADING CONTENT