Filtered By: Showbiz
Showbiz

‘Destined To Be Yours’ director praises Alden and Maine's dedication


Halos isang buwan pa lamang ang nakalilipas mula nang masaksihan ng buong mundo ang pilot episode ng Kapuso Primetime series na “Destined To Be Yours” ngunit hindi maikakailang umani na ng libu-libong tagasubaybay ang kauna-unahang teleserye ng phenomenal loveteam nina Maine Mendoza at Alden Richards.

Kabilang nga sa kanilang mga tagahanga ang direktor na si Irene Villamor, na siyang nangunguna sa pagbuo ng bawat episode ng nasabing teleserye.

Sa isang Instagram post, ibinahagi ni Direk Irene ang kaniyang paghanga sa dedikasyon na ibinibigay ng dalawa sa bawat tagpong kanilang binibigyang-buhay.

Aniya, “Sobrang sarap pala bilang direktor when you are discovering things about your actors, when you push them so hard and they let you.”

“When they trust you with their hearts—it is my ultimate reward,” dagdag pa ng direktor.

 

 

Sa naunang pahayag, sinabi ni Alden na isang kakaibang twist ang dapat abangan ng mga manonood sa mga susunod na episode ng "Destined To Be Yours."

"Ako parang first time kong nagkaroon ng script na ganito sa soap opera na may ganitong twist. So abangan n'yo po kung ano 'yan," ayon sa aktor.

READ: Alden Richards, sinabing may kakaibang twist na magaganap sa 'Destined To Be Yours'.

Kasamang bumibida nina Maine at Alden sa "Destined To Be Yours" sina Juancho Trivino, Koreen Medina, Lotlot de Leon, Boots Anson-Roa, Gardo Versoza, Janice de Belen, Sheena Halili, RJ Padilla, Tommy Abuel, Ronnie Henares, Ina Feleo, at Dominic Roco.

Mapapanood ang kauna-unahang teleserye ng phenomenal Kapuso loveteam araw-araw sa GMA Primetime, pagkatapos ng “Encantadia.” — Bianca Rose Dabu / AT, GMA News