‘Tween Hearts’ stars reunite in ‘Sunday Pinasaya’
Muling nagsama-sama ang cast members ng 2010 youth-oriented series na “Tween Hearts” nitong Linggo upang makisaya sa “Wikarambulan” segment ng Kapuso comedy variety show na “Sunday Pinasaya.”
Isang masayang reunion photo ang ibinahagi ni Barbie Forteza, na isa sa mga host ng “Sunday Pinasaya,” kasama ang kaniyang mga kaibigan at kapwa-teen stars na sina Bea Binene, Ken Chan, Derrick Monasterio at Hiro Peralta.
Ayon sa Kapuso host-actress, mayroon man silang kani-kaniyang programang pinagbibidahan ngayon, lagi nilang babalikan ang pagkakaibigang nabuo nila sa “Tween Hearts.”
Aniya, “Meron mang 'Unang Hirit,' 'Tsuperhero,' at 'Meant To Be,' kapag nagsama-sama, bumabalik pa rin ang 'Tween Hearts.'”
Kabilang ngayon si Hiro sa mga host ng Kapuso morning talk show na “Unang Hirit,” habang bida naman sina Barbie at Ken sa GMA Primetime series na “Meant To Be,” at sina Bea at Derrick sa Kapuso action-sitcom na “Tsuperhero.”
A post shared by Barbie Forteza (@barbaraforteza) on
Sa hiwalay na post, napa-throwback din si Ken sa mga panahong pinagsamahan nila, halos pitong taon na ang nakararaan.
“Ang lalaki na namin hehe! Tween Hearts Reunion!” ayon sa Kapuso actor.
Ang lalaki na namin hehe Tween Hearts Reunion! ???? #TweenHearts
A post shared by Ken Chan (@akosikenchan) on
Magsasama-sama sina Derrick, Bea, Ken, at Hiro ngayong taon bilang dubbers para sa inaabangang pagbabalik ng Japanese anime TV series na “Voltes V” sa GMA.
Mapapanood na ang “Voltes V” simula sa darating na Lunes, March 27, 8:25 a.m., pagkatapos ng “Ghost Fighter.” — RSJ, GMA News