Filtered by: Showbiz
Showbiz
LOOK

Dingdong Dantes finishes bike leg of Ironman 70.3 relay


Kabilang ang Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes sa mga nakilahok sa Ironman 70.3 race sa Subic Bay nitong nagdaang Linggo, March 12.

Natapos ng aktor at “Case Solved” host ang bike leg ng Relay Division kasama ang iba pang miyembro ng Team Gotta na sina Kim Atienza (run) at Gretche Fullido (swim).

 

 

A post shared by Grets Fullido (@gretsfullido) on

 

Aminado si Dingdong na hindi naging madali ang pagsali sa nasabing race, ngunit higit sa anomang pagsubok, naging inspirasyon daw ang kaniyang karanasan upang patuloy na tuparin ang pangarap na maging isang ganap na triathlete.

Ayon kay Dingdong sa isang Instagram post nitong Lunes, “Yesterday was tough. Despite the challenges, I was able to finish the bike leg, safely. This sport is truly a test of one's spirit and I have much respect to the real triathletes. One day, I wish to accomplish all three.”

“For now, I am grateful that I was given the chance to enjoy the weekend and race in the relay division with my friends from #teamgotta: @kuyakim_atienza(run) and @gretsfullido (swim). Many thanks too, @siraoulo, for training with me even within that short span of time! This experience is definitely a motivation for me to do better next time,” dagdag pa niya.

 

 

Proud naman na ibinahagi ng kaniyang asawa at Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera ang naging accomplishment ni Dingdong.

Ayon sa aktres sa naunang Instagram post nitong Linggo, “Congratulations, mahal ko! I'm so proud of you for finishing the bike leg of the relay division under #teamGotta in today's Subic Ironman 70.3.”

 

 

Noong nakaraang taon, lumahok sa kauna-unahang pagkakataon si Dingdong sa Ironman 70.3 Asia-Pacific Championship, isang triathlon na naganap sa Cebu.

Kalahok siya sa bike leg ng Relay Division, kasama ang runner at dating congressman na si Gilbert Remulla at ang swimmer na si Ige Lopez.

“I am humbled and honored to stand amongst 'true' and dedicated athletes who already are experts in this sport. Much respect to all who have embraced this difficult commitment of bringing one's fitness to a different level. Thank you for the inspiration!” aniya.

[IN PHOTOS: Dingdong Dantes joins Ironman competition

— RSJ, GMA News