Baby Zia and dog Amigo as ‘Marimar and Fulgoso’
Hindi naiwasan ng Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera ang mag-throwback kamakailan lamang sa “Marimar”—ang remake ng sikat na Mexican telenovela na pinagbidahan niya noong 2007—dahil sa anak niyang si Maria Letizia.
Nitong Biyernes, ibinahagi ng aktres ang larawan ni Baby Zia kasama ang asong si Amigo, na nagpaalala kay Marian sa mga eksena niya kasama si Fulgoso, ang alagang aso ni Marimar.
“Awww! Si Marimar at Fulgoso, este, si Letizia at Amigo pala! Hahaha! Ang sarap nilang pagmasdan,” aniya sa isang Instagram post.
A post shared by Marian Rivera Gracia Dantes (@marianrivera) on
Nagbahagi rin ng isa pang larawan ng cute bonding moment na ito ang Kapuso Primetime King at proud daddy na si Dingdong Dantes.
Pati ang mga tagahanga ni Marian ay hindi napigilang balikan ang mga larawan ng aktres kasama si Fulgoso!
“Like mother, like daughter,” ayon sa The Dongyanatics fans club.
Matapos ang kaniyang sandaling pamamahigna mula sa showbiz, abala ngayon si Marian sa paghahanda para sa kaniyang pagbabalik-Primetime ngayong taon.
Ayon sa Kapuso Primetime Queen, "Marami silang ino-offer na iba-ibang concepts, pero ito talaga ‘yung naaliw ako. Sabi ko, ‘Ay, magugustuhan ito ng kahit anong age. At na-miss ko itong gawin.’" aniya.
READ: Marian Rivera gives clue on upcoming primetime show: Magugustuhan ng mga chikiting
—LBG, GMA News