Filtered By: Showbiz
Showbiz

Emotional Kiko Estrada dedicates award to late grandfather Paquito Diaz


Taong 2011 nang pumanaw ang beteranong aktor na si Paquito Diaz, ang ama ni Cheska Diaz at lolo ng Kapuso actor na si Kiko Estrada.

Kamakailan lamang, binalikan ni Kiko ang masasayang alaala ng kaniyang lolo, at inialay rin dito ang mga parangal na natanggap niya sa larangan ng pag-arte.

Aniya sa isang Instagram post nitong Linggo, “Pasensya na inabot ako ng anim na taon para matupad ang pangako ko sayo. Masaya ako dahil mabibisita na kita palagi. Miss na miss na kita. Alam kong nasa magandang lugar ka ngayon.”

Aminado ang Kapuso actor na nangungulila siya sa kaniyang lolo, lalo na ngayong abalang-abala siya sa iba't ibang showbiz projects at nais niya raw sanang makuha ang gabay at suporta nito.

Matatandaang matapos makuha ni Kiko ang Outstanding New Best Actor award mula sa World Class Excellence Japan Awards para sa kaniyang pagganap sa “Sinungaling Mong Puso,” nakatakda naman siyang bumida sa remake ng iconic Kapuso telefantasya na “Mulawin vs. Ravena” ngayong taon.

“Minsan nananalangin ako na sana nandito ka... para makausap kita... para gabayan mo ako sa larangan ng pag arte at lalo na sa mga pagsubok ng buhay. At dahil gusto kong makita yung reaksyon mo kapag binigay ko tong mga award sayo. Di mo alam kung ilang beses ko ng pinagisipan kung ano ang magiging reaksyon mo,” ayon sa aktor.

Dagdag pa niya, “Mga simpleng bagay lang gaya nun ang importante sakin. Mga alala na iniwan mo... mga tinuro mo sa akin. At ang pag mamahal mo sa pamilya natin. Kontrabida ka sa mga mata ng iba... pero bida ka sa buhay ko. Mahal na mahal kita.”

 

 

Pasensya na inabot ako ng anim na taon para matupad ang pangako ko sayo. Masaya ako dahil mabibisita na kita palagi. Miss na miss na kita. Alam kong nasa magandang lugar ka ngayon. Pero minsan nananalangin ako na sana nandito ka... para makausap kita... para gabayan mo ako sa larangan ng pag arte at lalo na sa mga pagsubok ng buhay. At dahil gusto kong makita yung reaksyon mo kapag binigay ko tong mga award sayo. Di mo alam kung ilang beses ko ng pinagisipan kung ano ang magiging reaksyon mo. Mga simpleng bagay lang gaya nun ang importante sakin. Mga alala na iniwan mo... mga tinuro mo sa akin. At ang pag mamahal mo sa pamilya natin. Kontra-bida ka sa mga mata ng iba... pero bida ka sa buhay ko. Mahal na mahal kita.

A post shared by kiko estrada (@kiko_estrada) on

 

Bago ang kaniyang pagpanaw, nakilala si Paquito sa kaniyang pagganap bilang kontrabida sa iba't ibang pelikula, lalo na sa mga obrang kasama ang kaniyang kaibigang si Fernando Poe Jr.

Ilan lamang sa mga pelikulang pinagbidahan niya ang “Walang Matigas na Tinapay sa Mainit na Kape,” “Ang Dalubhasa,” “Daddy Goon,” at “The Good, The Bad, and The Ugly.”

[READ: Kiko Estrada wins Outstanding New Best Actor award

— RSJ, GMA News