ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Maine reveals birthday plans; Alden keeps to himself


Ipinagdiriwang ngayong Biyernes ni Maine Mendoza ang kaniyang kaarawan at sa isang panayam ni Lhar Santiago sa Unang Balita ng GMA News, ibinahagi niya ang simpleng birthday plans para sa araw na ito. 

Ayon kay Maine, isang "dinner with the family and close friends" ang gagawin niya sa kaniyang espesyal na araw.

Nang tanungin kung may dinner din kasama ang kaniyang katambal na si Alden Richards, mabilis na sumagot ang aktres: "Puwede rin."

Si Alden naman, naging malihim nang tanungin tungkol sa kaniyang plano para sa birthday ni Maine. Aniya, "We'll see."

Dagdag ng aktor, "Lahat naman po ng mga nangyayari sa buhay namin ni Maine ngayon, unexpected."

Noong nakaraang taon, umarkila si Alden ng isang private plane upang makarating sa Boracay para sorpresahin si Maine.  — Aya Tantiangco/RSJ, GMA News