Filtered By: Showbiz
Showbiz

Paolo Ballesteros’ ex-GF on his MMFF, Tokyo feats: I’m so proud of him!


Sandaling umuwi sa Pilipinas ang anak at dating kasintahan ng Kapuso host-actor na si Paolo Ballesteros upang makapag-bakasyon at maipagdiwang ang pagkakapanalo ng “Eat Bulaga!” Dabarkads bilang Best Actor sa iba't ibang local at international film festivals.

Sa Instagram post ni Maria Katrina Nevada, ang ina ng unica hija ni Paolo na si Keira Claire, kitang-kita kung gaano pa rin kalapit sa isa't isa ang dating magkasintahan habang sabay silang kumakanta sa karaoke.

Napabalik-tanaw rin si Katrina sa “college days” nila—noong pangarap pa lamang ni Paolo ang maging isang aktor.

Aniya, ipinagmamalaki niya ang lahat ng narating ng kaniyang dating kasintahan at ama ng kaniyang anak.

“So proud of him... I remember during our college days, we were just eating lunch at McDonalds and you would tell me your dreams of being an actor... but now, you're more than just an actor!!!” ayon sa kaniya.

Kaakibat ng touching message na ito ang mga hashtag na “Best Actor,” “Best Daddy,” at “Best Friend.”

 


Sa hiwalay na post, ibinahagi naman ni Paolo ang larawan nilang mag-anak habang sila ay nagbo-bonding.

“Yey! Family day today! Love you anak!” ayon sa Kapuso host-actor.
 

 

Yey! Family day today! Love you anak! @mariakatrinanevada #KeiraClaire

A photo posted by Paolo Ballesteros (@pochoy_29) on

 

Kamakailan lamang, iginawad kay Paolo ang Best Actor award sa Metro Manila Film Festival 2016 Gabi ng Parangal para sa kaniyang natatanging pagganap sa pelikulang “Die Beautiful.”

Noong nakaraang taon din, nakuha ng Kapuso host-actor at “Eat Bulaga!” Dabarkads ang Best Actor award mula sa Tokyo International Film Festival, at ang Special Jury Award for Outstanding Performance mula naman sa International Film Festival of Kerala.

Ayon sa aktor, pangarap naman niyang maisali ang kanilang pelikula sa Best Foreign Language category ng prestihiyosong Academy Awards.

“To the LGBT community, let this movie be an inspiration to everyone... Direk!!! Awards pa more! Festivals pa more! Let's go for the Oscars! Mabuhay Philippines!” aniya sa naunang pahayag. —NB, GMA News