AiAi Delas Alas meets ex-husband Miguel Vera for ‘extended family’ reunion
Higit sa isang dekada man ang lumipas mula nang maghiwalay sila, nananatiling mabuting magkaibigan ang Comedy Concert Queen na si AiAi Delas Alas at ang dati niyang asawa na si Miguel Vera.
Muling nagkita ang kamakailan lamang para sa isang intimate reunion kasama ang kanilang pamilya.
Nitong Miyerkules, ibinahagi ng “Sunday Pinasaya” star ang isang larawan mula sa masayang salo-salo ng kanilang “extended family.”
Kasama sa reunion ang asawa ni Miguel na si Priscilla Salud at ang kasintahan ni AiAi na si Gerald Sibayan, pati na ang mga anak ni AiAi na sina Sancho Vito, Niccolo, Sophia, at Seth Andrei.
“Reunion with Papey Miguel and wife Priscilla with my children and my darling #happyfamily #familyreunion #usextendedfam,” ayon sa Kapuso host-actress.
A photo posted by Martina Eileen Delas Alas (@msaiaidelasalas) on
Matatandaang umuwi sa Pilipinas sina Niccolo at Sophia—mga anak nina AiAi at Miguel—kamakailan lamang upang dito magdiwang ng Pasko kasama ang kanilang ina at mga kapatid.
A photo posted by Sancho Vito De las Alas (@sanchovito) on