Magazine has exclusive look inside Alden Richards’ new home
Ang Pambansang Bae at “Eat Bulaga!” Dabarkads na si Alden Richards ang magsisimula ng taon para sa lahat ng mga tumatangkilik ng Yes! Magazine.
Tampok si Alden sa cover ng January 2017 issue ng nasabing entertainment magazine, kung saan ipapasilip niya ang kaniyang bagong bahay.
“The modern two-story dwelling represents all his dedication, sacrifices, tears, rejections, joys, and triumphs and the phenomenal success which the Kapuso actor worked so hard to achieve for years,” ayon sa Facebook post ng Yes!
Maliban sa iba't ibang dekorasyon, makikita rin sa bahay ng Kapuso host-actor ang kaniyang nakakamanghang Iron Man collection.
Bukod sa kaniyang pagbida sa "Eat Bulaga!" at “Sunday Pinasaya,” naghahanda na rin ngayon si Alden para sa "Destined To Be Yours," ang kauna-unahang teleserye na pagbibidahan niya kasama si Maine Mendoza.
Kabilang ang "Destined To Be Yours" sa mga aabangang Kapuso teleserye para sa susunod na taon.
Kasama rin sa 2017 drama offerings ng GMA Network ang "Meant To Be" nina Barbie Forteza, Ken Chan, Ivan Dorschner, Addy Raj, at Jak Roberto; at ang Pinoy version ng hit Koreanovela na "My Love From The Star" nina Jennylyn Mercado at Gil Cuerva.
— Bianca Rose Dabu/BM, GMA News