Filtered By: Showbiz
Showbiz
LOOK

Paolo Ballesteros is ‘King of Queens’ on new magazine cover


Tampok ang Kapuso host-actor at “Eat Bulaga!” Dabarkads na si Paolo Ballesteros sa cover ng isang weekly magazine, kung saan siya binansagang “King of Queens.”

Dito ibinahagi ng “Die Beautiful” star ang kaniyang saloobin hinggil sa pakikitungo ng mga Pilipino sa mga miyembro ng Lesbian, Gay, Bisexual, Transexual (LGBT) community.

Aniya, "Filipinos are very tolerant when it comes to the LGBT community, but tolerance is far different from acceptance.”

Umaasa si Paolo na sa pamamagitan ng pinagbibidahan niyang 2016 Metro Manila Film Festival entry, mamulat ang mata ng lahat sa mga pinagdaraanan ng LGBT sa bansa.

Binigyang-buhay ng Kapuso host-actor at 2016 Tokyo International Film Festival Best Actor sa pelikula ang karakter na si Trisha, isang transgender woman na ang huling hiling ay manatiling maganda kahit sa kamatayan.

Kabilang ang “Die Beautiful” sa walong opisyal na kalahok sa prestihiyosong Metro Manila Film Festival ngayong taon.

 

Bida rin sa cover ng nasabing magazine ang Kapuso stars na sina Eugene Domingo at Rhian Ramos, na parehong bumibida sa MMFF 2016 entries—ang “Ang Babae Sa Septic Tank 2: #ForeverIsNotEnough” at “Saving Sally.”

 

— Bianca Rose Dabu/BM, GMA News