Filtered By: Showbiz
Showbiz

Kapuso shows, personalities receive recognition from 2nd Illumine Awards for Television


Tumanggap ng pagkilala mula sa Global City Innovative College ang ilang programa at personalidad ng GMA Network sa ikalawang taon ng Illumine Awards for Television.

Taon-taong nagbibigay ng parangal ang nasabing kolehiyo sa mga programa at personalidad na nagpapakita ng makabago o innovative attitude at nagsisilbing inspirasyon sa mga mag-aaral na nais rin pumasok larangan ng broadcast media.

Ayon sa event orgaziner na si Carmina Fernandez, ““We are looking for something that captures and inspires attention from students since we have a lot of out-of-the-box projects. Usually, you can see from students that they grab their inspirations from what they see on television.”

Itinanghal na Most Innovative Gag Show ang longest-running Pinoy comedy gag show na “Bubble Gang,” habang most Innovative Game Show naman ang “Wowowin” at Most Innovative Comedian ang Comedy Concert Queen na si AiAi Delas Alas.

Ayon kay James Macasero, na siyang tumanggap ng parangal para sa “Bubble Gang” kamakailan lamang, “Maraming salamat sa laging pagsuporta at walang sawang pag-patronize sa amin. Huwag kayong mag-alala, hindi kami titigil sa pagbibigay-saya sa inyo tuwing Biyernes ng gabi.”

Pinarangalan rin sa Illumine Awards for Television ang ilang programa at personalidad ng GMA News, kabilang sina Mel Tiangco at Mike Enriquez, na kinilalang Most Innovative Newscasters, ang “Kapuso Mo Jessica Soho” na itinanghal bilang Most Innovative Magazine Show, at si Jessica Soho na pinarangalan bilang Most Innovative Magazine Show Host.

Sa pamamagitan ng isang video, nagpaabot ng mensahe ng pasasalamat si Mel sa mga bumubuo ng Global City Innovative College.

Aniya, “To the Global City Innovative College, your management, your faculty, and all the students, maraming salamat po. Nakakataba ng puso na muling tumanggap ng GIC Innovation Award for Television.”

“Bilang isang broadcaster, isa itong inspirasyon na patuloy pang paghusayan ang aking pagbabalita. Maaasahan ninyong hindi kami natitinag sa pagtuklas ng makabagong paraan para maipaabot ang katotohanan at serbisyong totoo saanman sa bansa,” pagtatapos ng “24 Oras” anchor. — Bianca Rose Dabu/RSJ, GMA News