Filtered By: Showbiz
Showbiz

Diana Zubiri: Lilasari story twist related to her former role as Sang’gre Danaya


Kaabang ang pasabog ng karakter ng Kapuso actress na si Diana Zubiri sa remake at retelling ng hit Kapuso fantasy series na “Encantadia.”

Isa si Lilasari sa mga bagong karakter na ipinakilala sa bagong “Encantadia,” at magkakaroon raw ng kakaibang twist ang kuwento nito sa mga susunod na episode ng fantaserye, ayon kay Diana sa panayam ng “24 Oras” nitong nakaraang linggo.

Hindi man siya nagbahagi ng detalye tungkol sa nasabing twist, sinabi niyang may kinalaman ito sa karakter niya bilang Sang'gre Danaya sa orihinal na “Encantadia” noong 2005.

Matatandaang kabilang rin si Diana sa mga bumida sa una at orihinal na bersiyon ng fantaserye, kasama sina Iza Calzado, Karylle, at Sunshine Dizon bilang Sang'gre Amihan, Sang'gre Alena, at Sang'gre Pirena.

“Abangan na lang nila 'yung lalabas next week—'yung mangyayari sa character ni Lilasari,” ayon sa aktres.

Nitong nakaraang buwan lamang, nakaharap ni Diana bilang Lilasari si Sang'gre Danaya, na ginagampanan ngayon ng Kapuso actress na si Sanya Lopez.

Tinutukan ng marami ang kanilang paghaharap, kung saan sinabi pa ni Lilasari na mas magaling siyang gumamit ng arnis, na kilala bilang armas ni Danaya.

Nagkaroon na rin ng pagkakataon na magkakilala sa tunay na buhay ang dalawang aktres sa reunion ng mga nauna at kasalukuyang cast ng “Encantadia.”

 

Dinner at @paolobaz's place, just like the old days!!! ??

A photo posted by ???? DREAM BIG ???? (@missizacalzado) on

 

 

Danaya's ???? @thisisandysmith

A photo posted by Diana Zubiri-Smith (@dianazubirismith) on

 

Kasama nina Sanya at Diana na muling nagbibigay-buhay sa iconic teleserye sina Kylie Padilla, Gabbi Garcia, at Sanya Lopez, bilang Sang'gre Amihan, Sang'gre Alena, at Sang'gre Danaya.

Bida rin sa "Encantadia" sina Klea Pineda, James Teng, Buboy Villar, John Arcilla, Mikee Quintos, Rodjun Cruz, Neil Sese, Carlo Gonzales, at marami pang iba. — Bianca Rose Dabu/BM, GMA News