Filtered By: Showbiz
Showbiz

Sunshine Dizon dedicates 'Ika-Anim Na Utos' to women 'suffering silently'


Nauna nang sinabi ng Kapuso actress na si Sunshine Dizon na malapit sa kaniyang buhay ang kuwentong tatalakayin sa “Ika-Anim Na Utos,” ang pinakabagong GMA Afternoon Prime series na pagbibidahan niya kasama sina Gabby Concepcio at Ryza Cenon.

Bibigyang-buhay ni Sunshine sa programa ang karakter na si Emma, isang maybahay na pinagtaksilan ng asawa.

Matatandaang naging usap-usapan ngayong taon ang paghihiwalay ni Sunshine at ng kaniyang asawang si Timothy Tan dahil kay Clarisma Sison, na nauwi pa sa paghahain ng concubinage complaint at paglabag sa violence against women and children's act ni Sunshine laban kay Timothy.

Aniya, nais niyang maging daan ang teleserye upang makatulong sa mga kababaihang dumaranas rin ng masasalimuot na pangyayari pagdating sa buhay may-asawa.

“It's a story of most women out there who are suffering silently. We hope that with this show, we will be able to help them somehow to realize that marami pa silang puwedeng gawin. Marami pang options sa buhay,” aniya sa naganap na press conference nitong Martes.

Dagdag pa ng aktres, “Maraming babaeng makaka-relate dito, not only because may pinagdadaanan sila, but also because kuwento ito ng babaeng isang anak, isang ina, isang asawa, isang kaibigan.”

 

'Wag palalampasin ang pilot episode ng #Ika6NaUtos sa Lunes na, December 5 pagkatapos ng Eat Bulaga.

A photo posted by gmanetwork (@gmanetwork) on

 

Tila malapit man sa kuwento ng kaniyang tunay na buhay ang “Ika-Anim Na Utos,” hindi umano naging mahirap para kay Sunshine ang maging bahagi ng teleserye dahil sa magandang kuwento nito at sa magagaling na miyembro ng cast.

Para sa aktres, isang magandang karakter si Emma, at layon niyang maging inspirasyon ito sa mga kababaihang susubaybay sa kuwento.

“Alam naman ng GMA ever since na I've always been interested in doing out-of-the-box characters. It just so happened that, unfortunately, something happened with my life. I will not deny the fact that it's quite similar to the story. But the story is very beautiful and the character is very nice, so it's not one for me to turn down,” aniya.

Paliwanag pa ni Sunshine, “Sabi ko nga, hindi lang naman siguro ako ang nag-iisang artista sa mundo na may ginampanang character na nagkataon ay may kapareha sa tunya nilang buhay. I just treat it as it is. It's work, it's a character. It will never be me. I try to separate my personal life with work. That's what I do.”

Maliban kay Sunshine, Gabby, at Ryza, bibida rin sa pinakabagong handog ng GMA Afternoon Prime sina Mike Tan, Marco Alcaraz, Rich Asuncion, Daria Ramirez, Carmen Soriano, Mel Martinez, at Arianne Bautista.

 

The director and cast of GMA Network's newest Afternoon Prime series, Ika-6 Na Utos. #Ika6NaUtos

A photo posted by Kapuso PR Girl (@kapusoprgirl) on

 

Mapapanood na ang “Ika-Anim Na Utos” araw-araw sa GMA Afternoon Prime pagkatapos ng “Eat Bulaga! —NB, GMA News