Gabbi Garcia prepares for 18th birthday with #SincerelyGabbi photoshoot
Pinaghahandaan na ng Kapuso actress at “Encantadia” star na si Gabbi Garcia ang kaniyang ika-18 na kaarawan, na nakatakdang ipagdiwang sa darating na Disyembre.
Nitong mga nakaraang araw, ibinabahagi ng aktres ang mga larawan mula sa kaniyang pre-debut photoshoot, na tinawag niyang #SincerelyGabbi.
Naganap ang eleganteng photoshoot sa La Luz Beach Resort sa Batangas sa pangunguna ng photographer na si Ryan Raquino ng Blufish Photography.
Sa pamamagitan ng mga larawan, nagbahagi rin si Gabbi ng mga simpleng inspirational message at life advice sa kaniyang followers, tulad na lamang ng “You are beautiful, “You are fearless,” “Be kind-hearted like Alena,” “Hold on,” “Be passionate,” at marami pang iba.
Magaganap ang debut ng aktres na pinamagatang #SincerelyGabbi sa December 6, 2016. — Bianca Rose Dabu/RSJ, GMA News