Filtered By: Showbiz
Showbiz

Oyo Boy Sotto, Kristine Hermosa welcome fourth child


Ipinanganak na nitong Sabado si Marvic Valentin Sotto II, ang ika-apat na anak ng mag-asawa at “Hay Bahay!” stars na sina Oyo Boy Sotto at Kristine Hermosa.

Kasunod si Marvic nina Kiel, na ipinanganak noong 2008; Ondrea, na ipinanganak noong 2011; at Kaleb, na ipinanganak naman noong 2014.

Ayon sa Kapuso actor at proud daddy, isinilang ang kanilang anak nitong November 5, 2016, sa ganap na 11:01 ng gabi.

 

Marvic Valentin Sotto II. 11.05.16 11:01pm Thank you Jesus! ??????

A photo posted by Oyo Sotto (@osotto) on

 

Isinunod nina Oyo at Kristine ang pangalan ng kanilang bunsong anak sa ama ng aktor na si Vic Sotto, ang kilalang “Eat Bulaga!” Dabarkads at batikang komedyante.

 

I love you..??

A photo posted by Oyo Sotto (@osotto) on

 

Sa naunang pahayag,  inamin ng aktor na nais niyang magkaroon ng panlimang anak kay Kristine. Patuloy umanong ipinagdarasal ng mag-asawa na maging babae naman ito.

Aniya, “Nagpi-pray sana kami ng girl para at least dalawang boys, dalawang girls, tapos okay na. Eh, hindi. Baka ayaw pa ni Lord na tumigil kami [laughs]. Kaya susubok pa kami. Isang girl pa sana after nito.”

Mapapanood sina Oyo Boy at Kristine sa Kapuso comedy series na “Hay Bahay!” tuwing Linggo, kasama sina Bossing, Comedy Concert Queen AiAi Delas Alas, phenomenal comedic duo na sina Jose Manalo at Wally Bayola, at “Eat Bulaga!” Dabarkads Ruby Rodriguez. — Bianca Rose Dabu / AT, GMA News